Hindi ako palabirong tao at hindi din ako yung tipo ng tao na masungit, balance lang ang personality ko pero minsan may pagka pilyo.
*KNOCK! KNOCK!*
"Sino yan?"
"Si Alice."
"Pasok ka na lang."
Binuksan ni Alice ang pinto at pumasok. Lumabas ako sa kwarto ko nang walang suot na damit pantaas.
"Naka...."
"Naka ano?"
Sumigaw siya ng pagkalakas lakas nang makita niya akong walang pantaas na damit. Lumapit ako sa kanya at agad na tinakpan ang bibig niya.
"Hoy wag ka ngang sumigaw baka isipin nila hinaharass kita."
"*hindi maintindihan ang sinasabi*" (namumula ang mukha)
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"*Hindi maintindihan ang sinasabi*"
"Ano?"
Tinanggal ni Alice ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
"Ang sabi ko magdamit ka. Against the rules yan."
"Ang paglabas ng hindi nakadamit pantaas?"
"OO."
"Wala naman akong matandaan na ganung rule dito sa campus."
"Meron."
"Ang alam ko kapag nasa public place lang bawal ang hindi nakasuot ng pantaas."
"Ah basta. Magdamit ka na para makapag enroll ka na sa program na kukunin mo."
Nagdamit na ako at kinuha ang gamit ko pati susi ng kotse at dorm ko.
"Bilisan mo."
"Opo ma'am."
Lumabas ako at nilock ang pinto ng dorm ko.
"Malayo ba pupuntahan natin?"
"Hindi malapit lang."
"San?"
"Sa Bldg. 2."
Malapit? Takte! Hello Alice nasa Bldg. 8 tayo tapos sasabihin mong malapit lang? Inabot na nga tayo ng gabi kahapon pero hindi pa natin tapos libutin ang mga facilities. Ibang klase din tong babaeng to ah.
"Pwede magtanong?"
"Ano yun?"
"Bakit ka namumula kaninanang tinakpan ko yung bibig mo eh hindi naman yun sobrang higpit eh."
"Ano..Syempre..."
Lumapit ako sa kanya pero hanggang sa likod lang niya ako at magkalapit ang mukha namin.
"Ano?"
"Hindi ako makahinga syempre."
"Ahhh talaga? Eh bakit ngayon namumula mukha mo? Hindi ka ba ulit makahinga?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Lumayo ka nga sa akin kung hindi susuntukin ko yang mukha mo."
Yung totoo babae ba talaga to? Grabe parang lalaki kung magsalita pero medyo babae naman sa galaw.
"Matanong ko lang ano bang PROGRAM ang kinukuha mo ulit?"
Inilayo ko na mukha ko sa kanya dahil baka unang araw pa lang ng klase ko may black eye na ako.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...