Maliwanag na...Naalipungatan ako. Sinikap kong ibangon ang katawan ko. Umagang umaga pa lang ay nasilayan ko na kagad ang mukha ni Ian na himbing na himbing pa din sa pagtulog. Pansamantala ko siyang tinitigan habang nahihimbing.
Pogi pa din siya.
Mukhang anghel.
Ito ang mukhang gugustuhin mong makita kapag gigising ka.
Para siyang bata.
Nakayakap sa unan habang nahihimbing sa pagtulog.
Gumalaw siya kaya agad naman akong tumayo at ibinalin sa iba ang paningin. Nag unat siya na parang wala nang bukas tsaka bumangon pero natumba din siya dahil sa sakit ng ulo niya. Sa sobrang sakit ay napahawak na siya sa ulo niya na tila ba gusto niyang tanggalin ang ulo niya.
"Ian." Malumanay kong tawag sa kanya. Tinignan niya ako habang hawak hawak niya pa din ang ulo niya.
"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong niya sa akin.
"Inalagaan ka."
"Bakit?"
"Lasing na lasing ka kagabi Ian. Ako ang sumundo sayo at nag asikaso sayo."
"Wala ka namang obligasyon sa akin ah? Bakit mo ginawa yun?"
"Ian sino yung babaeng kahalikan mo kahapon sa rooftop?"
"Girlfriend ko. Si Joanna."
"Ahhhh. Congrats. Sige mukhang okay ka naman na, maiwan na kita."
Hindi ko na hinintay pang magsalita pa si Ian kasi baka masaktan pa ako lalo. Umalis na ako sa kwarto niya atsaka umiiyak na pumunta sa kwarto ko.
Bakit ba nag assume ako? On the first place ako itong may kasalanan kasi hindi ko dapat hiningi ang time and space sa kanya. Haaaaaaay! Wrong move. Eh nandito na eh kaya panindigan na. Sana kahit friends lang tanggapin niya ako. Kahit hindi niya na tuparin yung responsibility na sinasabi niya.
Ting!
6 new message from Stephen Pogi
13 missed calls from Stephen PogiRead
[From Stephen: Alice sabay na tayo bumili ng susuotin para sa ball.]
Reply
[To Stephen: Hindi na ako makaka attend.]
Sent
Ting!
1 new message
[From Stephen: Anong masakit sayo?]
Reply
[To Stephen: Wala. Hindi ko lang trip sumama.]
Sent
Ting!
1 new message
[From Stephen: Si Ian ba ang problema mo?.]
Reply
[To Stephen: Anong oras ba tayo aalis? Later i will tell you why.]
Sent
Wala pang ilang minuto ay may kumatok na agad sa pinto ng dorm ko. Napatakbo ako dito para pagbuksan at ang mokong kong kaibigan na si Teph ang nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/37233605-288-k955812.jpg)
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...