Chapter 57: Pretend

3.2K 49 0
                                    

Pagkatapos kong halungkatin ang bag niya ay nakakita ako ng isang pouch, agad ko itong binuklat at nakita ko ang isang pantatak na may pirma niya. Ito ang ginagamit niya kapag nagpapa autograph sa kanya ang mga fans niya at ito din ang gamit niya sa pagpirma sa mga kuntrata niya. Buti na lang at dala niya ito. Pwede ko nang matatakan ang divorce papers namin. Matitigil na din ang pagpapanggap ko at makakauwi na ako sa mag ina ko. Kinuha ko ang folder na laman ay divorce papers na nasa ilalim ng unan ko. Tinatakan ko ito atsaka ibinalik sa ilalim ng unan ko ang papers at sa pouch naman ang pantatak ni Karen. Sa wakas! Makakabalik na ako sa mag ina ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap dito. Agad akong nagtext kay Toubie gamit ang cellphone ko, yes cellphone ko. Nakuha ko ito sa isang police na naka assign sa kaso ng pagkabangga ko.

[To Toubie Mendoza: Toubie, uuwi na ako sa Pilipinas. Alagaan mo muna ang ate mo ha? Malapit na akong umuwi. Tapos na ang pagpapanggap ko.]

Maya-maya'y dumating na si tita.

"Brian, can we talk?"

"Yes tita."

Lumapit sa akin si tita at inalalayan ako maglakad papalayo kay Karen.

"What is it tita?"

"It's about Alice."

"What about her tita?"

"Delikado nanaman ang pagbubuntis ni Alice. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa mag-i-ina mo."

"Kailangan ko na talagang bumalik sa kanila."

"Bilisan mong magpagaling para mailabas ka na namin dito."

"Namin? Sinong namin po tita?"

"Ang pamilya ni Alice, tutulungan daw nila akong maibalik ka sa Pilipinas."

"Talaga, tita?"

"Oo. Kaya kailangan makarecover ka na kaagad."

"Opo tita, naiintindihan ko."

Pumunta kami sa sofa na malapit sa hospital bed ko at umupo.

Diyos ko po. Wag niyo pong pababayaan ang mag-i-ina ko. Patnubayan niyo po ang pagbubuntis ng mahal ko. Masyado na siyang namomroblema sa sitwasyon namin.

Hindi rin nagtagal ay nagising na si Karen.

"Nandyan ka na pala tita."

"Oo, pasensya na hindi ka na namin ginising."

"Okay lang po. Aalis na din po ako may taping pa po kasi ako eh."

"Ah, sige mag iingat ka iha."

"Opo."

Tumayo na si Karen at lumapit sa akon para halikan ako. Ngayon ko lang hinalikan si Karen sa labi kailangan eh parte ng pagpapanggap.

"Bye, hon. See you."

"Bye."

Yes! Wala na si Karen, araw nanaman ang bibilangin ko para makabalik siya. Sapat na yun para makarecover na ako at makabalik na sa mag-i-ina ko.

Days pass...

Nakarecover na din ako at ngayon ay pabalik na kami ni tita sa Pilipinas para balikan ang mag-i-ina ko. Isang araw ang gugugulin para makabalik kami ng Pinas. Safe naman ang naging byahe namin ni tita, pagdating ko sa airport ay sinalubong kami ng kapatid ko, ni Levan, John, Carmen, ng asawa ni tita, at ni tito Adam? Anong ginagawa niya dito? Hindi ba't galit siya sa akin? Lumpit ang mga men in black ni tito Adam para isecure ang dadaanan namin. Makalipas ang mahabang kamustahan ay umalis na kami ng airport. Sila tita umuwi na sa kanila, habang kami naman ay sa bahay ng mga Evangelista. Sobrang excited na akong makita ang mahal ko. Sobrang na miss ko si Alice.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon