Chapter 31: Once again

1.9K 37 0
                                    

Nakapasok na kami ni Alice sa mga klase namin kaso kailangan namin umattend ng make up class after ng mga classes namin para makahabol na din kami sa mga lessons namin na namiss.

"Ian!" Sigaw na tawag sa akin ni Teph habang papalapit sa akin.

"Bakit?"

"Kamusta make up class niyo? Nag enjoy ka ba nang husto?"

"Hindi ko alam." Malungkot kong tugon.

"May problema ba pare?"

"Teph pwede bang kay Alice ka muna? Sa tingin ko kasi mas kailangan ka niya eh."

"Bakit ako? Hindi naman ako ang nanliligaw dun eh."

"Gusto mong uminom?"

"Sure!"

"Tara sa bar."

"Sa dati?"

"Oo."

"Sige!"

Kahit na may pasok bukas ay pumunta pa din kami sa bar na paborito naming puntahan. Magdidilim na nang makadating kami sa bar.

"Look who's here!" Bati ng manager ng bar sa amin ni Teph. Nakipagkamay kami ni Teph bilang pambati.

"Anong alak?"

"Yung hard. Yung pang may malaking problema." Sagot ni Teph

"Hulaan ko, babae?"

"Hindi." Sagot ko.

"Isa na din." Singit naman ni Teph.

"Bigyan mo sila ng alak ko."

"Opo sir."

Walang ginawa ang dalawang kasama ko kundi ang magdaldalan habang ako ay nagpapakalasing...Bakit nga ba ako nagpapakalasing? Dahil pa din ba sa sinabi ni tito Antonio? Ian naman! Ilang araw na ang nakakalipas, yun pa din iniisip mo?

"Ian! Kaya mo pa ba?"

"Oo naman! Kayang kaya ko pa."

"Wag kang magpakalasing masyado may pasok pa tayo bukas."

"Oo. Sige."

Stephen's POV
Ano nanaman kayang problema nitong bestfriend ko? Tsssssss. Ayaw niya naman magshare kasi eh masyadong makasarili sa problema. Nag-aalala lang naman ako sa bestfriend ko eh. Makalipas ng ilang oras ay huminto na ako sa pag inom ng alak pero todo pa din sa laklak si Ian. Halatang halata sa kanya na may problema siya.

"Ian ano bang problema mo?"

"Shi...Daddy."

Ahhhhhh. Mukang alam ko na. Ang daddy niya at ang tito niya siguro.

"Anong tungkol sa kanila?"

"Gusto nilang palitan ko si Brian sa buhay ni Alice."

"Bakit daw?"

"*hicups! Siguro para sa kanila ganun ganun lng para kay Alice ang lahat dahil sa paningin nila ay nakakatawa pa siya."

"Tapos?"

Unti-unti nang nalalasing si Ian kaya nirerecord ko mga pinagsasabi niya. Wala kasi akong mapagtripan eh hahahaha! Para maparinig ko sa kanya mga pinagsasabi niya ngayong gabi. After a half hour ay umuwi na kami ni Ian, lasing na lasing na kasi siya eh. Habang nasa byahe kami pauwi ay tinawagan ko si Alice.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon