Chapter 9: The game

3.8K 73 0
                                    

Gooooood Morning! This is it! Ito na ang game na hinihintay namin. Ang first game ngayong 2nd sem. Haaaaay! Ano kayang strategy ang ipapakita ngayon ni coach? Waaaaaaah! Super excited na ako.

*KNOCK! KNOCK!*

"Coming!"

Binuksan ko ang pinto pero si Sonny lang ang tumambad sa akin.

"Hi miss Alice. Good morning po."

"Good morning din."

"Ahm ito po pala pinapabigay sa inyo."

"Nino?"

"Hindi ko po alam eh. Nakita ko na lang po sa labas."

"Ahhh okay. Eh pano mo nalaman na para sa akin to?"

"Ikaw lang po kasi ang laging binibigyan ng ganyang bulaklak sa buong dorm eh."

"Ahhhh. Okay. Salamat. Kung gusto mo pala ng mga sweets kuha ka lang sa ref yung mga chocolates ko kasi hindi ko pa nauubos."

"Opo. Salamat po Miss Alice."

Galak na galak si Sonny bumaba dahil sa sinabi ko.

"Kanino naman kaya galing to?"

May nakita akong sulat.
------------------------------------------------------
Some people believe there is a one,
The one who points your way to the sun.
A person they believe makes them complete
The one who will support when facing defeat.

Good morning Alice :) have a nice day ahead.
-------------------------------------------------------------

Kinuha ko yung sulat. Ikinabit ko ito sa isang board kasama ng mga memo ko atsaka ko nilagyan ng -sweet morning message from who? O.o

Iniwan ko muna yung bulaklak sa isang vase at umalis na. Tumawag si kuya sa akin.

"ALICE PAGONG"

"ANO YUN LEVAN BAPOR ANG ILONG?"

"Nasaan na si coach?"

"Hindi ko alam. Sige na babye na sasakay na ako ng train."

"Sumabay ka na samin."

Binabaan ko na lang si kuya at pumunta nagpatuloy sa byahe. Infernes mahaba habang byahe din to buti nalang maluwag dito sa train nakaupo pa ako. Habang nasa byahe ako ay napagtanto ko na madami din palang taga Penderwicks ang nasa loob train at manunuod ng laban. Sana Manalo ang team ng Penderwicks para naman sulit ang training at ang panunuod ko sakanila. Gumastos ako para lang panuodin ang laban nila. Makalipas ang ilang oras ng byahe ko ay nakarating nadin ako sa Fusion College. WOW! Grabe ito ba talaga ang Fusion College? Grabe ang laki ng school na ‘to parang isang palasyo na ito pero mas maganda pa din ang Penderwicks namin HAHAHA!

“Ma’am excuse me po. Saan po kayo pupunta?”

“Sa gym po manunuod ng laban ng Penderwicks at Fusion.”

“Ang I.D niyo po?”

“Wala po.”

“Sorry po ma’am pero hindi ka namin pwedeng papasukin.”

“Huh?”

May humawak sa magkabilang braso ko.

“Sorry po manong guard. Kasama po namin siya.” Brian

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon