Chapter 22: Missing him

2.9K 44 0
                                    

Ano ba yan. Parang ang lungkot naman ng kwarto ko. Namimiss ko na si Toubie. Pwede ko kayang puntahan si Toubie sa kanila? Kaso kapag pinuntahan ko naman siya makikita ko nanaman si Brian walang kwenta. Haaaaaaaaaaaay! ﹋o﹋ Teka! Pwede ko naman tawagan si Brian para makausap ko si Toubie eh kaso baka anong isipin ng Brian na yun...Ahhh basta! Tatawagan ko na lang si Brian para maka usap ko na si Toubie.

*phone rings*

"Hello?"

"Hello, Brian?"

"Hi, Alice." Sweet na sabi ni Brian

"Pwede ko bang makausap si Toubie?"

"Bakit mo naman gustong kausapin si Toubie?"

"Namimiss ko na kasi siya eh."

"Siya? O yung halik ko sayo?" Pang aasar pero sweet na boses pa din si Brian.

"Ang kapal mo! Kahit kailan hindi ko mamimiss yun."

"Gusto mo ba bumalik ako dyan? Namimiss ko na kasi yung halik ng mahal na reyna ko eh."

Abnormal talaga tong taong to eh. Yabang yabang kala mo kung sino. TSK!

"Mukha mo!"

"I love you Queen Alice."

Totoo kaya?

"I love you mo mukha mo. Nasan ba kasi kapatid mo?"

''Kiss muna."

"Ikisskiss ko yang nguso mo sa puno."

"Kaya mo?"

"Oo."

"Sige. Bukas tignan natin kung kaya mong gawin yan. Pupunta ulit kami ni Toubie dyan."

Anong sasabihin ko?

"Joke lang. Alam mo simula nang nagkagusto ka kay Brixx ang hirap mo nang biruin."

Nagkagusto nga ba talaga ako kay Brixx? Isa pa, sinong babae ba naman ang matutuwa sa biro mo Brian? Tsk!

''Wag mo ngang madamay damay si Brixx sa usapan natin."

"Ayiiiiie! Mahal mo na talaga si Brixx no? Buti pa sya mahal mo eh ako? Mahal mo ba ako?"

Tanga lang Brian? Hindi ko pa nga sure kung minahal ko talaga si Brixx eh kasi ikaw lang ang alam kong mahal ko.

"Ewan ko sayo. Nasaan na ba si Toubie?"

"Teka check ko sa kwarto niya....Tulog na yung prinsipe nating anak mahal na reyna eh."

Anong pinagsasabi ng gagong to?

"Ano? Anak? Natin? Kapal muks ka talaga, ano?"

"Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung halik mo sa akin kanina." Pang aasar pa muli ni Brian sa akin.

"Siraulo. Kalimutan mo na yun."

"Bakit ko kakalimutan yun eh first time natin ginawa yun."

Nakakainis natong Brian na to hah!

"Bastos! Wala ka talagang kwenta!"

"Huminahon ka Alice. Wag ka mag alala hindi ko naman ipagsasabi yun sa iba, hindi ako ganung lalaki."

"Mabuti."

"Pero nakatatak na yun sa utak ko pati sa puso ko. April 6 first french kiss with My Queen Alice. Isa pa may picture pa nga tayo habang naghahalikan eh."

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon