Chapter 30: Accepting

1.7K 34 0
                                    

Mag-iisang linggo na ang nakalipas pero absent pa din kami ni Alice. Pano naman kasi hanggang ngayon ay hindi niya pa din daw kaya iabsorb lahat ng pngyayari at syempre napasobra ata ako.

"Good morning Alice!" Pumasok ako sa kwarto niya dala dala ang kanyang pagkain "breakfast on bed for my future wife and for the especial girl in my life." Dagdag ko.

"Bakit pa? Okay na ako eh."

"Hindi ka." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko nang nakatayo si Alice.

"Tapos na pala ang work ko dito eh." Binaba ko na ang pagkain na hinanda ko at akmang papalabas na, sana pigilan ako ni Alice haha!

"Teka Ian. May nakakalimutan ka pa ata?" Success! Pinigilan nga ako. Hinawakan ni Alice ang braso ko nang mahigpit.

"Wala na. Wala nang masakit sayo diba?"

"Osige! Tsupe! Layas!" pagtataboy sa akin ni Alice.

Wrong move ata ako. Tsk!

"Okay."

"Lahat ng nangyari...ano..ahm." hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman ang gusto niyang sabihin.

"Oo, makakaasa ka. Hinding hindi ko iyon ipagsasabi."

"Salamat ulit Ian."

Umalis na ako ng kwarto niya atsaka bumalik sa dorm ko. Pagkabalik na pagkabalik ko sa dorm ko ay humiga kaagad ako sa malambot kong kama.

"Ano kayang nangyari kay Brian? Bakit niya kaya iniwanan si Alice? Nababaliw na ba siya?"

Ting!

[Daddy: Mag usap tayo. Pumunta ka sa office ng tito Antonio mo.]

"Ano nanaman ba ang nagawa ko ngayon? Haaaaaaaays! buhay!"

Napakunot nalang ang noo ko at labag sa loob na pumunta sa office ni tito. Kanina pa ako badtrip kaya sana naman good news itong sasabihin ni daddy. Kasalukuyan akong nakapasok na sa office ni tito at nakapamulsang nakaupo sa swivel chair.

"Ian."

"Ano po yun tito?"

"Nasabi na siguro sayo ni Alice na-"

"Na hiwalay na po sila ni Brian?"

"Oo."

"Ano po bang nangyari tito? May kinalaman po ba kayo dun?"

"Oo. Kinausap ko si Brian na makipaghiwalay na sa anak ko. Sa una hindi siya pumayag pero isa isa kong pinabagsak ang negosyo ng pamilya nila kaya sa huli pumayag na din siya. Alam ko namang hindi niya kayang tiisin ang kapamilya niya."

"Bakit niyo po ginawa yun?" Kalmado kong sabi. Pinapanatili ko ang sarili ko na kalmado kahit sa loob looban ko ay gusto ko nang magwala dahil sa ginawa ni tito.

"Ayoko siya para sa anak ko isa pa, ulilang lubos na ang batang yun. Hindi sila bagay ng anak ko."

"Ano po bang alam niyo sa kanya? tito? sobrang saya po ni Alice sa piling ni Brian. Bakit niyo tinanggal ang kaisa isang kaligayahan ng anak niyo?" This time hindi na ako nakapagtiis. Nagalit na ako. Nasapo ko na ng buong lakas ang mesa ni tito nang mapatayo ako dahil sa galit. "Hindi niyo po ba alam na madami nang nakahilerang mga plano si Alice at lahat yun kasama si Brian. Isa pa hindi naman po sasama sa inyo si Alice kundi dahil kay Brian eh." Dagdag ko.

"Ian tumahimik ka! Umupo ka at ikalma mo ang sarili mo."

"Mahal niyo po ba talaga si Alice? Alam niyo po bang ready na siyang patawarin ka? Lahat po yun dahil kay Brian. Kaya tito habang maaga pa ay kausapin niyo na po ulit si Brian na makipagbalikan sa anak niyo." Diin ko.

"Sinabi nang umupo ka at ikalma mo ang sarili mo." Hinaltak na lang ako bigla ni daddy papaupo sa swivel chair.

"Tapos ka na ba Ian?"

"Sige na Antonio. Pasensya ka na sa inasal ng anak ko."

"Wala yun." Kalmadong sabi nito kay daddy. "Ayokong mapangasawa ni Alice ang anak ng dati kong nobya. Pagkatapos ipanganak si Alice ay namatay na ang kanyang ina. Galit na galit ako noon sa kanya dahil kung hindi siya pinanganak hindi sana namatay ang pinakamamahal kong asawa. Isang araw may nakita akong isang babae na iyak nang iyak sa daan, ito ang mama ni Brian. Naging live in kami habang nasa akin pa si Alice, minahal niya si Alice na para niyang tunay na anak pero nang tumagal ay nabuntis siya ng mismong bestfriend ko pa. Nagkagulo kami nun at simula nang araw na yun ay nagalit na ako sa tao hindi ko na namalayang nababalewala ko na ang kaisa-isa kong kayamanan; si Alice. Kaya naman kinupkop na lamang siya ng isa ko pang matalik na kaibigan ang ama ni Levan dahil alam kong ituturing siya nitong parang tunay na anak.'' Kwento ni tito Antonio.

Hindi ako nakapagsalita sa gulat ko sa mga nangyare; sa sinabi ni tito Antonio, tungkol sa kanila ng ina ni Brian, sa lahat.

"Ngayon alam mo na ang kwento ng pinapantasya mong babae."

"Ian gusto ko sanang ikaw ang magpuno ng mga sinasabi mong plano ni Alice na kasama ang Brian na yun."

"Hindi ko pa din po tito maintindihan bakit galit kayo kay Brian eh hindi naman po si Brian ang naging bunga ng pagtataksil ng live in partner niyo at ng bestfriend niyo ah."

"Hindi nga sya ang naging bunga pero ang tinuturing niyang magulang ay ang mga taong kinamumuhian ko."

"Ian. Napagkasunduan na namin ng daddy mo na ipakasal kayo ni Alice pagkatapos niyong grumaduate."

"Hindi po pwede tito. Hindi ko gustong mapasakin si Alice nang dahil lang sa ipinagkasundo niyo kami." Giit ko sa daddy ko at kay tito Antonio. "Excuse me po." Dagdag ko.

Umalis na ako sa office ni tito at bumalik na sa kwarto ko.

Itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko kay Alice? Feeling ko kasi balewala ding ligawan ko si Alice after ng nalaman ko. Hindi ko deserve ang happy ending ni Alice.

------------------------------------------------
Hi there! Ms. Author here

This is my first story kaya super kinakabahan ako sa mga feed back na makukuha ko.

Sana magustuhan niyo ang story na gawa ko

vote, comment, follow and add :))

Thank you for reading my story

Looking forward to your feedback

Positive or negative I will understand :)

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon