Chapter 36: Feelings...Hiding Feelings

3.2K 45 3
                                    

Brian's POV

Nag ring ang phone ni Alice. Sinilip ko kung sino ang tumawag. 'Stephen Pogi' Sino naman yun? Sinagot niya na yung tawag habang kami ay naiwan sa sala. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kusina. Sino ba yung lalaking yun? Bakit tuwang tuwa siya na kausap yun? Boyfriend niya ba yun?

"Uy, Brian!" Tawag sa akin ni Levan sabay tapik ng malakas.

"huh?"

"Matunaw kapatid ko."

"Eh di maganda, may maiinom ako."

Ano? Maiinom? Anong pinagsasabi ko?

"Literal na siya ba ang gusto mong mainom o yung bagay na galing sa kanya?" Makahulugang sabi ni Levan sa akin.

Kahit kailan talaga malibog tong lalaking to. Wala man lang sinasanto.

"Kuya. What does kuya Levan mean?"

"Wala, wag kang makinig sa kanya."

"Dalhin mo na lang siya sa guest room para manuod ng cartoons. Tapos bumalik ka dito para makapag umpisa na tayo.

"Okay."

Dinala ko si Toubie sa kwarto para manuod na lang siya. Hindi naman ako umaalis habang hindi pa pumupunta si Alice.

Halos 30 minutes ko ding kasama ang kapatid ko. Tatayo na sana ako para i-check si Alice pero naunahan niya ako, pumasok na siya sa dito sa room.

"Sorry natagalan ako."

"Ayos lang. Sige lalabas na ako. Iwan ko na sayo si Toubie."

"Kuya. Dito ka na muna please."

"Bakit?"

"Pleaseeeee."

"Sige na pagbigyan mo na kapatid mo."

"Osige, pero saglit lang."

"Yey!"

Umupo na ako sa sahig na nakasandal sa may kama. Ako, si Toubie at si Alice.

"Ate, You sit here." Tukoy niya sa harap ko.

Loko tong batang to ah?

"Tanungin mo kuya mo kung pwede."

"It's okay, ate Alice."

"Brian?"

"Sige lang."

Umupo sa harap ko si Alice tulad ng sinabi ni Toubie. Nakasandal padin ako sa kama habang si Alice naman ay nakasandal sa akin tapos si Toubie kay Alice naman nakasandal.

"Okay lang ba talaga Brian?"

"Oo."

Nanunuod kami ngayon ng Transformers. Favorite naming magkapatid ang transformers. Ang cool kasi tapos maganda lagi ang kwento samahan pa ng mga magaganda at sexy na leading lady.

"Brian?"

"Bakit?"

"Si Toubie tulog na."

"Sige. abante mo na lang muna yung katawan mo para makatayo ako."

"Hindi."

"Anong hindi?"

"I mean hayaan mo na muna siya-"

Hindi ko pinatapos magsalita si Alice. Pinilit ko nalang tumayo at binuhat si Toubie papubta sa kama. Papalabas na sana ako nang harangin ako ni Alice.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon