Chapter 58: Triplets

4.1K 67 2
                                    

Flashback...

"Welcome back! Brian Mendoza!" Bati sa akin ni Carmen.

Yumakap siya sa akin nang mahigpit at ganun din naman ako.

"Si Alice?" Bulong ko sa kanya.

Umiling na lang si Carmen. Nasaan si Alice? Parang biglang humina ang tibok ng puso ko sa kaalamang wala si Alice sa party na siya mismo ang nakaisip.

"Ehem." Tikhim ni Karen sa gilid ko.

"Carmen, asawa ko nga pala si Karen Lucio-Mendoza at ang anak namin si Karylle."

"Hi nice to meet you." Sabay lahad ng kamay niya para makipagshake hands. Nakipagshakehands naman si Karen.

"Nice to meet you too."

"Nga pala. Isa lang anak niyo?"

"Oo, bakit?"

"Humina ka ata sa pagscore ngayon Brian?"

"Huh?" Takang tanong ni Karen.

"Haha! Anong humina? naka 2 points na ako sa magkaibang court." Sagot ko kay Carmen. Ang tinutukoy niya ay ang pagbuntis ko sa babae.

"Hahahaha! Wala ka paring alam." Sabay talikod sa amin at pumunta sa stage.

Bago kami pumunta sa nakareserve na upuan namin ay tinignan ko muna ang paligid para tignan kung nandoon si Alice pero wala pa din kaya pumunta na kami sa upuan namin.

Maganda ang takbo ng party, kapag si Carmen talaga ang nagpatakbo ng isang party maganda ang kinakalabasan. Ngayon ay nakaflash na sa screen ang mga masasayang araw namin noong college kami nakakamiss tuloy yung mga huling araw ng pagiging fourth year ko, sunod naman nun ay ang picture na namin ni Alice ang lumabas. Naroon ang unang picture namin ni Alice na magkasama, ang picture ng unang date namin, unang kiss namin, bakasyon, picture namin na magkayakap sa gym, yung mga araw na nililigawan ko siya, yung picture na nabusted ako, at ang huli ay ang picture namin na kinuhanan ko noon sa France. Pagkatapos ng slideshow na yun ay nagsalita si Carmen.

"Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. May isang bagay na hindi pa alam ang mahal nating si Brian. May isang regalo sa kanya ang taong mahal niya noong graduation namin pero hindi niya ito tinanggap. Hindi niya alam na ito na ang pangalawang pagkakataon na makakatanggap siya ng isang magandang regalo mula sa taong mahal niya."

Biglang nagflash ang picture ng isang pregnancy test na nakalagay sa isang maliit na box. Bigla kong naalala si Alice dahil ganun din yung box ng regalo niya sa akin noong graduation namin atsaka naman may nagflash na picture ng picture ng baby na nasa tyan ng isang babae, sunod naman ay ang nakalabas at malaki nang baby boy sa screen. Tinignan ko lang ito, parang namumukaan ko ang batang ito. Maya-maya'y nagflash na sa screen ang masayang picture ng mag inang Alice at Christof sa screen at muli namang nagsalita si Carmen.

"Siya si Christof Cloud Berbano ang anak ng ating pinakamamahal na kaibigan na si Alice Berbano at ikaw, Brian Mendoza."

May naglagay ng spotlight sa akin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Hindi magandang biro to Carmen."

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" Bumaba si Carmen mula sa stage at lumapit sa akin."Brian, ayokong sirain ang pamilya mo pero hindi naman kaya ng kosensya ko na makitang walang makilalang ama ang inaanak ko. Kahit ipakilala mo lang ang sarili mo sa kanya na ikaw ang ama niya okay na sa amin yun. Kahit hindi mo na pakasalan si Alice, kami na lang ng magpupuno ng pagkukulang mo sa bata."

"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi niya talaga papakasalan ang Alice na yun at mas lalong hindi siya magiging ama sa anak ni Alice dahil si Alice na mismo ang nagsabi na ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya" galit na sabi ni Karen.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon