Chapter 10: Court

3.3K 64 0
                                    

After ng nangyari sa Fusion ay hindi ko na muli pang pinansin si Brian hanggang sa gumawa siya ng isang pakulo na kinasabwat niya pa ang mga first year ng mens basketball team.

"Ano to? San niyo ako dadalhin?"

"Basta ate Alice"

''Papahirapan ko kayo kapag nalaman ko kung anong kalokohan to."

"Wag naman ate Alice"

Nang may marinig akong nagsalita.

"May isang babae akong nakilala, mabait, maalaga, sweet, pala ngiti, palakaibigan at maganda...inside and out although may pagka alaskadora siya sa mga taong malapit sakanya pero okay lang yun medyo pikunin naman siya kaya patas lang. Naging kami ng babaeng to for a short time pero pinahiya at pinaglaruan ko lang siya dahil yun ang gusto ng mahal ko. Naging makasarili ako pero kahit ganun nandyan pa din siya bilang isang kaibigan sa akin. Habang tumatagal ang panahon ay na-fall na ako ng tuluyan sa kanya. Minsan nga tinanong ko siya 'Pwede pa bang maging tayo ulit? This time totoo na.' Pero ang sabi niya sa akin kaibigan na lang kasi ayaw niya nang masaktan ulit. Naiintindihan ko naman siya pero sana bigyan mo ako ng chance ulit, Alice."

Tinanggal ng isang first year ang blind fold ko at nakita ko si Brian na may hawak na bouquet ng roses.

"Alice, for you."

"Brian anong kalokoha to?"

"Hindi to kalokohan Alice. Hindi na ito trip trip lang. Totoo na ito at ang nararamdaman ko para sayo."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alice give me another chance, please. Hindi na kita sasaktan pa ulit. Promise. Liligawan kita araw araw."

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Sobra mo na akong pinaasa Brian. Siguro naman enough na yun.''

Umalis ako sa gym at pumunta sa dorm ko.

"Hi miss Alice. May bulaklak po uli kayo."

"Kanino daw galing?"

"Hindi ko daw po pwedeng sabihin eh."

"Kung kay Brian yan galing itapon mo na lang di kaya ipamigay mo na lang."

"Naku! Hindi po galing kay sir Brian to."

"Eh kanino galing yan?"

"Kay sir Brixx po...Ay naku lagot"

Kinuha ko ang mga bulaklak na pinadala ni Brixx. Umakyat at tinext ko sya.

"Brixx salamat sa flowers. Para san nga ba yun? :)"

"HUH? Wala naman akong flowers na binibigay sayo ah."

"Wag ka na magsinungaling nadulas si Sonny."

"Tsssss."

"Salamat ulit."

"Your welcome. By the way libre ka ba Saturday next week?"

"Oo wala akong pasok ng Saturday. Bakit?"

"Pwede ba tayong lumabas?"

"Okay. Saan naman tayo pupunta?"

"Kahit saan basta next week hah! Susunduin kita dyan sa dorm mo."

"Alam mo kung saan ang dorm ko?"

"Oo."

"Pano mo nalaman. Pinuntahan namin nung may laban kami sa Fusion."

"Ahhhh. Okay. Sige see you."

"Sige. :)"

------------------------------------------------------
Hello Ms. Author here!

This is my first story kaya super kinakabahan ako sa mga feed back na makukuha ko.

Sana magustuhan niyo ang story na gawa ko

vote, comment, follow and add :))

Thank you for reading my story

Looking forward to your feedback

Positive or negative I will understand :)

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon