Chapter 19: Graduation Day

3.4K 44 1
                                        

Brian's POV
   Graduation day na pala ngayon ng mga fourth year mawawala na sila Levan at John, wala nang mga best player ng team ko.

"Brian bilisan na natin."

"Ahhhh. Oo."

"Brian! Pinapatawag ka ni Alice!"

Pinuntahan ko si Alice sa may malapit sa entrance.

"Alice bakit?"

"Okay na ba ang lahat?"

"So far. Oo."

Medyo awkward lang na nag uusap kami ni Alice ngayon dahil  sobrang  iwas na ako makipagusap o kung ano kay Alice pero trabaho lang naman eh.

Nag umpisa na ang graduation ng mga fourth year. Sa wakas! Last day na ng trabaho at school. Makakauwi na din ako sa bahay ko. Kamusta na kaya kapatid ko? Namimiss ko na ang kapatid ko.

"Uy Brian." John

"Ano yun?"

"Gagraduate na kami ikaw na bahala kay Alice ah!" Levan

"Wag niyo sya sa akin iwan doon niyo iwan sa boyfriend niya."

"Putang ina Brian! Huli ka na sa balita."

"Huh? Anong huli?"

"Wala na si Alice at Brixx. Naghiwalay na sila matagal na."

"Bakit?"

"Niloko lang kasi ni Brixx si Alice parang yung ginawa mo noon pero mas hard yung ginawa ni Brixx."

"Bakit?"

"Aminin mo na kasi hindi ka maka move on sa kapatid ko diba?" Pagsingit ni Levan

"Alam mo tol. Aamin na ako sayo, oo mahirap mag move on lalo na kapag mahal na mahal mo yung tao pero tol ayaw na sa akin ng kapatid mo kaya hindi ko na ipagdidiinan pa yung gusto ko." Poker face kong sagot kay Levan.

"Itry mo kaya ulit ligawan si Alice." John

"Oo nga. Alam mo wala namang masama sa paulit ulit na panliligaw sa babae eh." Levan

"John! Magready ka na ikaw na ang susunod." Sigaw ni Alice

"Oo !"

"Pag isipan mong mabuti pare. Boto naman kami ni John sayo eh." Levan

Natapos na ang graduation day. Lumapit sa akin si Levan para yayaing pumunta sa graduation party nila ni John.

"Saan ba tayo?"

"Sa resort namin."

"Pass na muna ako namimiss ko na kapatid ko eh."

"Jan naman ako bilib sayo eh. Isama mo kapatid mo para makasama ka."

"Inuman yun pare eh."

"Okay lang yan may mga pwedeng mag alaga sa kanya doon."

"Osige. Saan ba banda yung resort niyo?"

"Isama mo nalang si Alice pauwi sa inyo tapos ituturo niya yung way ng resort namin."

"Wag na ituro mo nalang."

"Mahirap kapag ituturo ko sayo ngayon. Nakakalito kasi mga daan doon."

''Tanungin mo muna si Alice kung okay lang."

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon