Ilang buwan na ang nakalipas nang bumalik na ako dito sa Canada para ayusin ang divorce papers namin ni Karen. Hanggang ngayon kasi ayaw pa din ni Karen pirmahan ang mga papers, ayaw niya daw makipaghiwalay sa akin dahil mahal niya ako. Oh for God's sake. Kasalukuyan akong nasa isang bahay namin ni Karen noon para personal siyang makausap.
"Karen, pirmahan mo na kasi para makauwi na ako sa mag ina ko."
"Ayoko! Never kong pipirmahan yan."
"Ano bang gusto mo? Hindi naman kita minahal para magkaganyan ka."
"Ako oo pero the way na alagaan mo ang anak ko? Oo doon kita minahal."
"Pirmahan mo na ang divorce papers. Gusto ko nang maghiwalay na tayo. Gusto ko nang makasal sa taong mahal ko."
"Brian, give me another chance. Try to love me, please. I'm begging you." Lumuhod pa siya sa harap ko at niyakap ang mga binti ko.
"Ayoko na Karen. Tama na ang limang taon na nasa inyo ako ni Karylle. Kailangan ko nang makabawi sa iniwan kong pamilya noon. Kapag pinirmahan mo na ang papers tutulungan kitang makausap si Brylle at ipapaako natin sa kanya ang responsebilidad niya."
"No, ayoko. Ibang klase magmahal si Brylle. Hindi niya kami mamahalin ng anak ko nang tulad ng pagmamahal mo. Brian please. Wag mong gawin to. Ayokong mangyare sa anak ko ang ginawa sa akin ni Brylle noon."
Nagtataka naman ako sa mga sinasabi ni Karen.
"Ano bang ginagawa niya sayo?"
"Binubugbog niya ako. Please wag mo naman kaming ibigay ng anak ko sa lalaking yun."
"Osige, hindi ko na kayo ibibigay sa lalaking yun pero kailangan mo pa ding pirmahan ang divorce papers natin para makapagpakasal na kami ni Alice."
"Brian, ikaw lang ang pag-asa ko. Simula nang magpakasal tayo ay nilayuan na ako ni Brylle, hindi niya na ako ginulo pa, lalo na nang malaman niyang may anak na tayo."
"Hindi pwede Karen. Ayokong mawala nanaman sa akin ang mag ina ko ngayon pa na magkakaanak na ulit kami ni Alice."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Binuntis ko ulit si Alice."
"Kaya ba sobrang protective mo sa kanya? Kaya ka ba umuwi ng Pilipinas noon ay dahil sa babaeng yun?"
"Hindi, hindi dahil sa kanya, dahil yun sa kapatid ko."
"Oh come on Brian. Hindi ako tanga o manhid."
"Totoo yun dahil sa kapatid ko kaya ako umuwi sa Pilipinas."
"Get out of my house! Get out!"
"Pirmahan mo muna to. Please Karen."
"Ayoko, hindi ako makikipaghiwalay sayo."
Pinalayas niya ako papalabas sa bahay niya. Bullshit! Kapag hindi ko pa to nagawa ngayong buwan ay baka hindi na magpakasal sa akin si Alice at ayokong mangyare yun. Ayokong lumaki ang mga anak ko na walang kinikilalang ama though alam naman na ni Christof na ako ang daddy niya pero hindi pa din ako kuntento sa ganun dahil gusto kong dalhin nila ang apilido ko. Desperado na kung desperado pero yun talaga ang gusto ko.
Tumawag ako kay Alice habang nagdadrive ako papunta sa tinitirhan ko. Wala pang tatlong ring ay nasagot na kagad ni Alice ang phone niya.
"Hello?"
"Hello babe."
"Anong kailangan mo Brian?"
"Wala pa ding bago ah, cold treatment pa din."
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...
