Isang buwan na ang nakakalipas simula nang huling pumunta dito sa bahay si daddy. Nagsawa na siya siguro kakasuyo sa akin na bumalik na sa EA.
"Bye Sissy!" Paalam sa akin ni kuya sabay gulo sa buhok ko.
That guy! Wala na siyang ginawa kundi sirain ang buhok ko.
"Bye kuya. Ingat!"
"Bye, anak. Makinig sa mga katulong ha? Kapag may kailangan ka just call me or your kuya or maybe your husband to be." Sa huling kataga nito ay binaling niya ang tingin niya kay Brian na ngayo'y pababa na sa hagdan. "Osha, bye na anak. Isasabay ko na si baby Toubie."
"Bye ate Alice." Malambing na paalam sa akin ni Toubie.
"Bye mom, bye Toubie. Take care."
Si mommy talaga parang teenager. Napatingin naman ako kay Brian na ngayo'y papalapit na sa akin. Ang gwapo talaga ng magiging asawa ko lalo na kapag nakangiti na. OMG! Nakakabaliw talaga titigan tong lalaking to.
He gave me a smack kiss on my lips."Bye babe. Papasok na ako." Sunod niya namang pinagbalingan ng tingin ay ang tyan ko."Good morning baby, alis muna si daddy ha? Wag kang makulit dyan sa tummy ni mommy." Hinalikan niya ang tyan ko na siya namang kinatuwa ng puso ko.
Napatingin ako sa mga katulong namin na nakatingin sa aming dalawa ni Brian habang kinakausap pa din ni Brian ang tyan ko, medyo nahiya naman ako kaya inilagay ko na ang kamay ko sa tyan ko at iniakyat ang mukha ni Brian.
"Mala-late ka na babe. Sige na." Tinulak ko siya papalabas."Bye."
Bago siya tuluyang umalis ay muli siya humalik sa labi ko."Bye babe. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka ha! Every hour tatawagan din kita. I love you." Bilin niya sa akin.
"Opo. I love you too."
Pagka alis ni Brian ay nakita kong nakatingin pa din ang mga katulong namin sa akin tsaka humagikhik.
"Bakit po?"
"Kasi ho ma'am nakakakilig kayo ni sir Brian eh. Hindi pa kayo kasal pero sobrang alaga na ho siya sa iyo at sa magiging anak niyo."
Oo tama yan, kiligin kayo hahaha! Mainggit na din kayo dahil akin lang yang lalaking yan. Amin lang yan ng baby ko.
"Hahaha! Ganyan po talaga yang si Brian. Maalaga."
"Naku ma'am Alice napaka swerte niyo po talaga kay sir Brian." Sabat naman ng isa pa naming kasambahay.
"Alam mo ma'am crush nga niya si sir Brian eh." Tukoy niya sa pinakabata naming katulong.
"Oy! Hindi ah!" Sabat naman ng katulong namin na pinakabata. "Ma'am wag po kayong maniwala sa kanya. Hindi ko po crush si sir Brian. Napogian lang po ako nung unang kita ko sa kanya."
"Good. Kasi hindi mo ako gugustuhing makalaban lalo na pag si Brian ang pag-aawayan." Pagtataray ko sa katulong namin.
Itong babaeng to, maang-maangan pa, batukan kita eh. Akin na yun, aagawan pa ako eh.
"Yan tuloy nagalit na sa akin si ma'am Alice." Narinig kong bulong niya sa katulong namin na nagsumbong sa akin.
"Kasi ikaw eh, magkakacrush ka na nga lang kay sir Brian pa, alam mo namang kay maam Alice na yun eh. Dapat kapag nagkakacrush ka yung walang sabit tulad ni sir John." Balik bulong naman nito sa isa.
Nakakatuwa naman tong mga katulong namin. Crush ang mga amo nila haha! Hindi pa kasi nila alam na saksakan ng libog ang mga lalaking yun eh lalo na si kuya. Pwede na atang maging Sex God ang title ni kuya.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...