Ilang araw na ang nakalipas nang magkaroon kami ni Brixx ng weekend get away kung saan na meet ko ang mom niya but not in a good way at ilang araw na lang din ay gagraduate na si kuya pero si Brixx hindi pa kasi may mga minor subjects pa siya na kukunin kaya baka summer na siya makagraduate.
"Good Afternoon everyone."
"Good Afternoon sir."
"Alice pakitanggal si Mr. Mendoza sa klase ko."
"Opo."
Bakit kaya pinapatanggal niya si Brian sa klase nya? Eh wala pa namang isang linggo ang pag absent ni Brian ah.
"Lahat ng fourth year labas na. Magpaclearance na kayo."
"Yes sir."
Umalis na lahat ng fourth year kaya iilan na lang kaming natira sa room.
"Ahm sir. Pwede ko po bang matanong kung bakit niyo pinatanggal si Brian sa klase niyo?"
"Nirequest nya yun sa dean kaya sumusunod lang ako."
"Ahhhhh. Okay po."
"Pwede niyo nang gawin kahit anong gusto niyo."
Free time nanaman....Wala akong magawa kaya tinawagan ko na lang si Brian kasi lahat naman ng fourth year wala sa kani kanilang room eh.
Brian's POV
Ang boring naman. Walang magawa, di tulad noon kapag free time may nakakausap ako. Hmmmmm...*phone ringing*
Aba! Nabuhay phone ko ah hahaha!XD Pagtingin ko sa phone ko number lang pero kilala ko yung number na ito eh number to ni Alice eh. Ano naman kayang kailangan ng babaeng to? Sabi niya noon ayaw niya na sa akin tapos ngayon tatawag tawag siya.
"Hello?" Brian
"Hello Brian."
"Sino to?" Pakukunwari kong hindi ko siya kilala.
"Si Alice to. Bakit hindi mo na ako kilala? Lumipat ka lang ng section hindi mo na kagad ako kilala."
"Ang daldal mo. Bakit ka tumawag?"
"Pwede ka bang lumabas ng room niyo?"
"Hindi pwede may klase ako."
"Wag ka nga! Bakit mo sinagot tawag ko kung may klase ka?"
"Okay." Matipid kong sagot sa kanya.
"Lumabas ka na lang nandito ako sa labas ng room niyo."
"Pano mo nalaman kung saan room ko?"
"Tinanong ko kay maam Thricia."
"Ano bang kailangan mo sa akin?"
"May meeting kasi ang student council diba kasama ka sa student council?"
"Hindi na. Umalis na ako sa student council."
"Bakit?"
"Basta. Teka nga bakit ba tumawag ka pa sa akin? Burahin mo na nga number ko. Mamaya magalit pa boyfriend mo."
"Bakit ko buburahin eh kaibigan kita."
"Noon yun Alice hindi na ngayon."
Sorry Alice hindi ko naman sinasadya na sabihin sayo to eh pero ito lang ang best way para lumayo ka na sa akin.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...