Alice's POV
Ilang buwan na din ang nakalipas nang maging kami ni Brixx at simula nang naging kami ni Brixx ay mas nakilala ko pa siya. Halos araw araw na din kaming nagda-date o di kaya magkasama. Binigyan kami ng 2 weeks vacation ng school para mag give way sa mga mag e-entrance exam at sa mga job interview para sa graduating students tulad ng boyfriend ko."Babe, sorry hindi kita mahahatid ngayon sa dorm mo. Hindi din ako makakanuod ng practice game mo."
"Okay lang babe basta galingan mo na lang sa interview mo."
"Sorry talaga babe."
"Brixx,let's go." Boses ng isang babae.
"Sino yun baby?"
"Ano... yung classmate ko yun sa isa kong subject."
"Ahhhh. Sige na pumunta ka na doon."
"Okay. Bye I love you baby."
"Bye. I love you too baby."
Binaba ko na yung phone ko. Nakasalubong ko si kuya, John at Brian.
"Good luck sa inyo lalo na sayo kuya."
"Salamat. Asan yung boyfriend mo?"
"Nandoon na kasama mga classmates niya."
"Sino kasama mo ngayon sa practice game niyo?"
"Mga team mates ko. Bakit?"
"Wala kayong kasamang lalaki?"
"Wala."
"Brian, ikaw na lang sumama sa kapatid ko total wala ka namang ginagawa diba?"
"Buti kung papayag si Brixx pati si Alice."
"Okay lang yan kay Alice ako na bahala magsbi kay Brixx."
Tumingin ako kay kuya nang sabihin niya na si Brian ang pasasamahin niya.
"Ayokong ipilit ang ayaw ni Alice. Maghanap ka na lang ng iba."
"Brian. Sasamahan mo ang kapatid ko tapos ang usapan."
Tinignan ko si kuya at nakita ko nanaman ang demonyong mga mata niya kaya hindi na ako nag atubiling isama si Brian kahit na alam kong magagalit si Brixx.
"Halika na Brian."
"Huh?"
"Bingi tayo?"
"Hindi."
"Tara na baka malate na kami sa practice game namin."
Sumama na sa amin si Brian.
"Hindi ba't pinagbawalan ka na ni Brixx na lumapit sa akin?"
"Oo."
"Eh bakit ka pa rin pumayag sa gusto ng kuya mo."
"Ipapaalam niya naman kay Brixx eh."
"Alam mo hindi mo dapat sinusuway ang gusto ni Brixx. Isa pa baka mag away kayo dahil dito.''
"Hindi ko naman kagustuhan na makasama ka at suwayin si Brixx eh. No choice lang ako kasi natakot ako kay kuya."
''Hindi yan ang Alice na nakilala ko."
Napaisip ako sa sinabi ni Brian. Nagbago na nga ba talaga ako?
"Brian.''
''Ano yun?"
"Nagbago na ba talaga ako?"
"Hindi na ako magsisinungaling. Oo nagbago ka na. Ang laki na nga ng pinagbago mo eh. Iba din ang impact sayo ni Brixx noh."
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Pumasok kami sa gym at nag umpisa na ng practice game.
Brian's POV
Sana bumalik na yung dating Alice. Yung Alice na kilala ko. Yung masungit pero mabait, yung madaldal pero masayahin, yung pala asar pero may pagka isip bata at yung Alice na boss.Habang nanunuod ako ng practice game nila Alice ay napansin kong panget ang laro niya kaya tinawag ko muna sya. Hinatak ko sya sa labas ng gym.
"Alice. Ano bang problema mo?"
"Wala."
"Eh bakit ganyan ang laro mo? Wala kang focus sa laro."
"Ano bang pakielam mo? Practice game lang naman to ah!"
"Lang? Alice! Kailan mo pa ni-lang ang practice game? Magseryoso ka naman. Naiilang ka ba kasi nandito ako? Kasi ako ang nanunod sayo ngayon? Alice sabihin mo lang aalis ako."
"Oo! Alam mo Brian sa totoo lang? Ayoko nang makita at makasama ka."
Hinalikan ko si Alice sa labi.
"Pumasok ka na sa loob. Babalik na ako sa school. Galingan mo yang game mo hah!"
Umalis na ako at bumalik sa school. Pagkabalik ko sa school ay agad akong nag impake ng gamit ko at umalis. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon si Alice padin ang mahal ko pagkatapos ng pag ganti niya sa akin at binasted niya pa ako eh okay lang sa akin.
"Maligayang pagbabalik po sir Brian."
"Salamat. Paki tawagan yung dean ng school paki sabi na magtatransfer na ako sa ibang section pero kasabay ng sched ni Alice."
"Pero bakit po sir?"
"BASTA! Sabihin mo na lang."
"Opo sir."
"Manang padalhan ako ng tequila sa kwarto ko."
"O-o-opo sir."
Umakyat ako sa kwarto ko sa di maipaliwanag na dahilan ay parang biglang gumuho ang mundo ko.
*Knock!Knock!"
"Sir Brian. Ang dean po nasa phone gsto po kayong kausapin."
"Sabihin mo wala ako dito."
"Opo sir."
"Sir Brian. Ito na po ang tequila niyo."
Binuksan ko ang pinto at pinapasok ang katulong.
"Lagay mo sa may biranda."
"Opo sir."
"Wag niyong sasabihin kay Toubie na nandito ako ngayon."
"Opo sir."
Pagkaalis na pagkaalis ng katulong ko ay sinimulan ko nang uminom.
"Alice, mahal pa din kita hanggang ngayon. Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan eh. Bakit si Brixx pa? Pwede naman sa iba wag lang kay Brixx. Bullshit!"
Sinuntok ko ang pader ng kwarto ko at nagsimulang magwala. Sinira ko ang mga babasagin kong gamit, sinuntok ang salamin ko sa CR at inunti unti kong sunugin ang mga litrato namin ni Alice noong kami pa.
------------------------------------------------------
Hello Ms. Author here!This is my first story kaya super kinakabahan ako sa mga feed back na makukuha ko.
Sana magustuhan niyo ang story na gawa ko
vote, comment, follow and add :))
Thank you for reading my story
Looking forward to your feedback
Positive or negative I will understand :)
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomansaSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...