Alice's POV
Tanga ko naman. Bakit nga ba hindi ako umimik kanina? Bakit nga ba hindi ako nagprotesta sa pagsakay ko sa sasakyan niya? Shit naman. Tanga ka talaga Alice. Tanga. Tanga. Tanga."Ate Alice?" Tawag sa akin ni Toubie mula sa pinto.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko atsaka ko siya sinagot.
"Pasok ka."
"Ate Alice?"
"Yes?"
"Sorry sa hipag kong hilaw ha?"
"Toubie hindi mo dapat tinatawag na hilaw ang asawa ng kuya mo. Hindi naman ganyan ang tinuro ko sayo ah."
"Sorry ate."
"Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba't dapat nandoon ka sa inyo kasama ang kuya mo at ang pamilya niya?"
"Oo, eh kaso nag away kami ng asawa ni kuya eh."
"Anong pinag awayan niyo?"
"Ikaw."
"Bakit ako?"
"Ipinagtanggol kita sa kanya. Sinabihan ka kasi niyang malandi eh."
"Dapat pinabayaan mo na lang."
"Pero ate, hindi ka naman malandi eh."
"Pero sa ginawa ko kanina. Paglalandi na yun lalo na't alam ko namang may asawa na ang kuya mo."
"Hindi pa din tama yun ate."
"Hindi ka naman magpapatinag sa gusto mo eh. Bahala ka kung anong pananaw mo basta sa susunod wag mo nang gagawin yun. Mamaya pag uwi mo, mag sorry ka sa kanya ha?"
"Ayoko nga. Hindi ako makikipagbati sa kanya."
"Toubie. Hindi ganyan ang lalaking maginoo."
"Ate naman. Girlfriend ka namin ni Christof kaya kami ang poprotekta sa iyo."
"Oo na. Sige na kung ano na ang gusto niyong paniwalaan."
Niyakap ako nang mahihpit ni Toubie at doon naman nagsimulang bumagsak ulit ang mga luha ko.
"Salamat Toubie."
Inalo ni Toubie ang likod ko para patahanin ako.
"Tama na ate Alice. Simula ngayon mas hihigpitan ko pa ang pangbabakod ko sayo."
"Hindi na kailangan."
"Bakit?"
"Toubie, wag ka sanang magagalit pero balak ko kasing wag ka na munang papuntahin dito sa bahay."
"Bakit naman ate?"
"Para magkaroon ka ng quality time with your kuya and his family. Hindi mo kami tunay na kadugo ni Christof."
"Ate Alice. Wala namang ganyanan. Kayo na nga lang ang pamilya ko dito eh."
"Nandyan na ang pamilya ng kuya mo kaya dapat sa kanila mo ituon ang atensyon mo. Pansamantala lang naman. Habang nandidito sila. Then after nun pwede ka na ulit bumalik balik dito."
"Ayoko pa din ate Alice. Sa loob ng limang taon na wala si kuya ikaw ang tumayong guardian ko."
"Iba na ang sitwasyon ngayon Toubie. Sana maintindihan mo."
"Bigyan mo muna ako ng dalawang araw para makalaro si Christof."
"Sige. Dito ka na din matulog mamayang gabi. Ipapaalam na lang kita sa kuya mo."
"Salamat ate."
Umalis na si Toubie para hanapin ang anak ko. Bigla namang tumawag si Brian sa phone ko.

BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomansaSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...