Chapter 55: Happy Truth for sure!

3.2K 57 1
                                    

Alice's POV
Naduduwal nanaman ako. Ano ba to? Ilang linggo nang masama ang pakiramdam ko.

"Hoy! Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni kuya

"Oo. Masama lang pakiramdam ko."

"Magpacheck up ka kaya?"

"Para saan?"

"Para malaman mo kung may sakit ka ba o ano."

"Wag na. Iinom na lang ako ng vitamins ko, hindi na kasi ako nakakainom nun ilang linggo na."

"Nga pala, nasa baba si Brian."

"Bakit?"

"Malay ko."

"Pinapunta mo ba siya?"

"Hindi ah."

"Eh bakit pupunta yun dito?"

"Hindi ko nga alam. Basta nagtext siya na pupunta daw siya tapos nung bumaba ako nakita ko siya sa may sala."

"Kapag nalaman ko lang na pinapunta mo siya malalagot ka sa akin."

"Kapag hindi?"

"Eh di hindi."

"Ililibre mo ako ng trip to Japan."

"Aba! Mahilig ka na pala sa japayuki ngayon?"

"Hindi ah. Business."

"Talaga?"

"Oo."

"Osige. Labas na magbibihis na muna ako."

"Bilisan mo."

Sinara na ni kuya ang pinto. Nagbihis na ako. Naka maong na short ako tapos blue na loose shirt. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako para puntahan si Brian.

"Bakit ka nandito? Pinapunta ka ba ni kuya dito?" Bungad kong tanong sa kanya.

"Pwede ba tayong mag usap?" Sinabi niya in a cold way.

"Sige."

"In private." Seryoso ang mukha niya.

Anong meron? Anong trip niya?

"Bakit? Tungkol saan ba ang pag uusapan natin?"

"Sa ating dalawa."

"Sige, doon tayo sa kwarto ko."

Umakyat kami sa kwarto ko. Umupo siya sa sofa habang ako naman ay sa kama.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Yung nangyare sa atin last time."

"Kinalimutan ko na yun. Kalimutan mo na din."

"Hindi pwedeng basta basta ko na lang kalimutan yun Alice. Yun ang pinakamatagal na pagtatalik nating dalawa."

"Lasing tayo ng araw na yun kaya nangyare yun."

"Hindi ako lasing ng mga oras na yun at alam kong ikaw din."

"Ano bang gusto mo? Diretushin mo na ako."

"I want to marry you."

"Hindi pwede. Hindi na kita mahal si Ian na ang mahal ko."

"This is bullshit Alice. Wag mo akong pagtripan."

"Yun naman talaga ang totoo."

Lumapit siya sa akin lalo na ang mukha niya.

"Ilayo mo nga ang mukha mo baka magkapalit tayo ng mukha."

"Eh di maganda para hindi ka na magustuhan ni Ian. Para mukha mo ang gagamitin ko para magpropose sayo."

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon