"Sir Brian, Maam Alice May bisita po kayo."
"Sino po manang?"
"Mga estudyante po ng Penderwicks."
"Ah! Sige po manang bababa na po kami. Paki ready na lang po yung pool."
"Sige po maam Alice."
Umalis na si manang. Tumayo na din si Alice kaya tumayo na din ako at pumunta na kami sa baba para harapin ang mga bisita namin.
"Wooooah! Ate Alice? Ikaw na ba yan?" Manghang tanong ng isa sa mga kaibigan namin.
"Hihi! Oo, bakit? Pumanget ba ako?"
"Hindi ate, lalo kang gumanda. Teka? Buntis ka ba ate?"
"Ha? Ah..eh..Bakit?"
"Eh kasi medyo iba hulma ng tyan mo, ate."
"Oo, buntis nga ako. Punta kayo sa binyag ha?"
"Oo naman ate. Ikaw pa. Kuya Brian, hindi na nakapaghintay ah? Umiskor ka kagad."
"Tumahimik ka nga dyan."
"Hahaha! Congrats kuya! Maganda kayong couple ni ate Alice. Si ate Alice maganda, sexy, mabait tapos ikaw, oo. Haha!"
Loko tong batang to ah? Nang aalaska pa.
"Upakan kita gusto mo?"
Siniko naman ako ni Alice. "Tumahimik ka nga dyan."suway niya sa akin.
"Maam Alice, okay na po."
"Salamat po manang."
"Tara na sa pool." Aya ni Alice sa lahat.
Hinawakan ko sa beywang si Alice habang naglalakad kami.
"Witwew! Ang sweet naman ni kuya."
"Tahimik. Hindi ko kayo paliguin sa pool eh."
"Oo na."
"May dala ba kayong mga damit?"
"Oo naman kuya. Boyscout kami pagdating sa ganyan."
"Buti naman. Dahil kung wala ay uuwi kayong nakahubad."
"Okay lang macho naman na kami eh."
Ilang beses ko na bang hindi nakita tong mga batang to? Ang tigas na kagad ng bungong sabihin na macho sila. Tsk!
Nang makarating na kami sa likod ay agad na nagsihubad ng damit at nagsiligo ang mga kaibigan namin tsaka nagsilusong sa pool.
"Babe, bakit hindi ka sumali sa kanila? Pinapunta ko nga sila dito para magsaya tayo eh." Tanong sa akin ni Alice.
"Eh pano ka?"
"Okay lang ako. Nandito naman sila manang eh."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Sige na maligo ka na doon."
Lumapit sa akin si Alice para hubadin ang damit ko atsaka naman ako binuhat ng mga kaibigan naming lalaki.
"Bye, babe! Have fun!"
Inihulog naman ako ng mga kaibigan namin sa pool.
Alice's POV
Since nandito na ang mens basketball team, papupuntahin ko na din dito ang women basketball team. *evil laugh* gagawa ako ng mga couple sa basketball teams. Hihi. Nagtext naman ako kagad sa basketball team ko.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...