Chapter 46: Hurt

2.9K 40 0
                                    

Nakauwi na kami ngayon sa bahay. Si John na ang umalalay sa kanya papunta sa kwarto namin. Hindi ko mapigilang di magtampo sa nakita ko at sa pagtatanggol niya sa lalaking yun. Is she dumping me again? Dumiretso ako sa kwarto ni Toubie, dito muna ako matutulog ngayong gabi.

Hindi ako makatulog ngayon, una dahil magkaaway kami ni Alice. Pangalawa, naiinis ako sa sarili ko dahil pinapabayaan kong kainin ako ng selos ko. Pangatlo, namimiss ko na ang kapatid ko, kapag nagtatalo kasi kami ni Alice hinaharap ko si Toubie para mabilis kaming magkabati ni Alice.

"I can't take this anymore." Bulong ko sa sarili ko.

Tumayo na ako para puntahan siya sa kwarto namin. Pagpasok ko ay nakita ko siya na nakaupo sa sofa sa biranda at umiinom nanaman siya ng alak. Sinarado ko na ang pinto.

"Babe?" Garalgal niyang tawag sa akin.

Sinubukan pa niyang tumayo pero hindi na kaya ng katawan niya kaya natumba din siya buti na lang nasalo ko siya.

"Bakit uminom ka nanaman ng alak?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Babe." Muli niyang tawag sa akin.

Binuhat ko siya at dinala sa kama namin.

Hindi ko pa din kaya. Hindi ko pa siya kayang makatabi ngayon. Ipinahiga ko na siya sa kama at akmang aalis na ako nang pigilan niya ako.

"Babe, please...Don't leave." Umiiyak siya habang sinasabi yun.

Hindi ko siya tinignan. Dumiretso na lang ako palabas ng kwarto. NOT NOW .

Bumalik ako sa kwarto ni Toubie and still hindi pa din ako makatulog, may kung ano pa ding side sa akin na nasasaktan at nag aalala sa kanya.

May narinig akong yabag ng paa at natutumba tumba pa ito. Si Alice to walang duda. May pumihit naman ng doorknob sa kwartong kinaroroonan ko kaya pinikit ko ang mga mata ko para magtulug tulugan.

Ramdam ko na ngayon ang presensya ni Alice sa kwarto. Sinakop ko ang buong kama para hindi siya makahiga.

"Babe?" Tawag niya sa akin.

"Babe? Please, talk to me."

Lumapit siya sa akin. Sa di inaasahang pagkakataon ay natumba siya sa akin, she grab that opportunity to hug me.

"Babe, please talk to me. I can't take this anymore."

Tinulak ko siya papunta sa gilid ko tsaka ko tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa akin at tumalikod sa kanya.

"Babe, please talk to me." Pagmamakaawa niya.

Muli niya naman akong niyakap kahit na nakatalikod ako sakanya.

"Babe, I know your still awake. Please, talk to me."

"Bukas na lang Alice. Pagod ako." Sagot ko sa kanya.

Sorry babe. I can't talk to you right now, i'm still hurt of what just happened. I'm still jealous with that fucking shit!

"Babe, I want to talk to you right now."

"Pagod ako Alice. Bukas na lang."

Alice's POV

"Pagod ako Alice. Bukas na lang." Cold niyang sabi sa akin.

Galit na galit si Brian. Ano ba kasing pumasok sa isip ko, bakit ko pa pinagtanggol ang lalaking yun? Bakit ko nga ba siya tinawagan at pinapunta pa doon? Wrong move nanaman Alice. Hindi ako umalis sa tabi ni Brian. Niyakap ko siya kahit na paulit ulit niya lang tinatanggal ang kamay ko.

"Babe, I'm sorry. Please talk to me."

Hindi niya ako pinapansin at kasabay nito ay ang pagtanggal niya ng kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon