*KNOCK!KNOCK!*
"Daddy?"
"Pasok."
"Hi daddy. Kamusta ka na?"
"Tignan mo nga naman ang anak kong engaged na sa anak ng bestfriend ng mommy niya."
"Daddy naman."
"Bakit hindi ba totoo? Tuwang tuwa nga ang mommy mo na ibinalita sa amin yan eh tapos ganyan ang reaksyon mo."
"Daddy hindi ko gusto si Mira may girlfriend ako ngayon pero hindi niya alam na engaged ako kay Mira."
"Alam mo Brixx. Iba ang pagpapalaki namin sayo ng mommy mo sa ginawa mo ngayon."
"Alam ko po yun. Sasabihin ko din naman po kay mommy at sa girlfriend ko ang lahat eh. Pero sana po daddy..."
"Naiintindihan ko anak pero pinagsabihan na kita tandaan mo yan."
"Opo."
"Nasan na ang girlfriend mo?"
"Nasa baba po.
"Halika na puntahan na natin siya."
"Opo."
Lumabas kami ng daddy ko sa study room niya at bumaba.
"Maganda siya anak ha. Totoo yun."
"Syempre daddy mana ata ako sayo."
"Good evening po Mr. Nightray."
"Good evening din hija."
"Alice daddy ko nga pala. Daddy meet my girlfriend Alice Berbano."
"Teka, kaano ano mo si Morgan Berbano?"
"Kapareho ko lang po siguro ng apilido. Wala po kasi akong maalala na kamag-anak kong ganun ang pangalan."
"Ahhhh siguro nga."
"Halina kayo dito. Kumain tayo habang nag uusap."
"Tara na?"
"Sige po."
Pumunta kami sa dining area at kumain habang nag uusap.
"Hija kanino ka palang anak kung okay lang na malaman ko."
"Adopted daughter po ako ng dean ng school."
"Eh bakit Berbano ang surname mo."
"Pinakausap ko po kasi sa dean na kung pwede na Berbano na lang ang gamitin kong surname."
"Ahhhhh. Alam mo Alice, hindi naman kayo nagkakalayo ng itsura ni Liza ng itsura noong kabataan namin."
"Close po ba kayo ni mommy?"
"Oo naman pati nga ang daddy mo eh. Magkakabarkada kasi kami noon ng mommy't daddy mo pati si Val Mendoza kabarkada din namin yun. Nagkahiwahiwalay lang kami nang magpakasal ako sa mommy ni Brixx."
"I'm home."
Tumakbo si Potpot kay Xander. Binuhat ni Xander si Potpot at dinala sa dining area.
"Nandito ka pala kuya. Sino siya?" Xander
"Siya si Alice girlfriend ko. Alice siya naman si Xander pangalawa sa akin." Brixx
"Hello. Nice to meet you." Xander
"Nice to meet you too." Alice
"Kumuha ka na ng plato mo doon at kumain ka na." Daddy
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...
