Chapter 47: Out of love?

2.2K 45 1
                                    

Evangelista residence

Alice's POV

"Babe!" Sigaw kong hanap kay Brian. Nasaan na kaya yung lalaking yun? Hmmmmmm. Tumayo ako sa kama para tignan yung upuan na kinaroroonan ni Brian kanina nang makita kong bahagyang nakabukas ang pinto ng cabinet namin. Sa pagkakaalam ko nakasara naman to kanina ah? Dahan dahan ko tong nilapitan at binuksan pero pagbukas ko ng cabinet ay tanging mga damit ko na lang ang natira. Nasaan ang mga damit ni Brian? Bumilis naman ang tibok ng puso ko kaya tinignan ko na din ang mga damit ni Toubie sa kwarto niya pero pareho itong wala, kahit yung mga gamit na damit nilang magkapatid ay wala na din. Ano bang nangyayare? Nasaan si Brian at Toubie?

"Babe?!" Sigaw ko muli sa buong bahay.

"Wala na sila." Sagot naman ni kuya na ngayo'y nakatayo at nakasandal sa pader habang may hawak na kopita ng alak.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay kuya.

"Ano bang nangyare habang wala kami ni mommy?"

"Nasaan sila, kuya?"

"Wala na nga! Hindi ko alam kung saan pupunta. Now tell me. What happened?"

"Long story."

"Then make it short."

"Nag-away kami dahil kay Ian. Happy?"

"Anak ng! Bakit nasali nanaman yang Ian na yan sa buhay mo?"

"Hindi ko alam basta ang alam ko lang kailangan kong maayos ang problema naming dalawa ngayon."

"Too late. Hindi natin alam kung saang lupalot naroroon ang boyfriend mo."

"Samahan mo ako kuya." Aya ko kay kuya.

"Saan?"

"Sa bahay niya."

"Okay."

Umalis na kami ng bahay kagad. Tinuro ko naman ang way papunta sa bahay nila Brian pero nang dumating kami doon ay walang tao kaya naghintay lang ako nang naghintay hanggang sa abutin na kami ng gabi.

"Alice, tara na." Aya ni kuya sa akin.

"Maghintay muna tayo kuya."

"Alice naman, dis-oras na ng gabi oh!"

"Maaga pa kuya."

"Oo nga tama ka, maaga ka pa para bukas."

"Isa pang oras kuya." Pagmamakaawa ko kay kuya pero wa epek, binuhat niya ako na para bang sako ng bigas. Nagpupumiglas ako para makababa, pinagpapalo ko ang likod ni kuya habang nag-u-unahan na ang mga luha ko sa pagbagsak. "Kuya! Ibaba mo ako, please. Kailangan kong makausap si Brian. Kailangan ko siyang hintayin dito para makapag usap kami."

"Enough! Walang Brian na babalik dito. At kung masyado kang suswertehin pati sa buhay mo hindi na babalik ang taong mahal mo dahil sa kagagawan mo."

"Huhuhu...kuya, please."

Isinakay niya ako sa kotse at kinabitan ng seatbelt tsaka siya umikot at nagdrive na pauwi. Habang nasa byahe kami ay sinusubukan ko na lang na tawagan si Brian.

"Hi! This is Brian. Sorry, can't talk to you right now so leave your message after the beep." Voicemail

Bullshit! Voicemail lang ang sumasagot. Lalo naman akong napapaiyak sa nangyayare. Okay lang yung coldness niyang pananalita at pakikitungo sa akin atleast kahit papaano nakakausap at nakikita ko pa din siya pero yung ganito? Parang hindi ko yata kakayanin ang ganito. Wala man lang kaming contact sa isa't isa ni hindi nga siya nagpaalam na aalis siya.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon