Chapter 34: EA's Party

1.9K 40 0
                                        

Medyo late na kami nakagising ni Alice. Ang galing talaga tumayming ng guard na yun. Ibang klase. Dumapa ako sa kinahihigaan ko.

"Good morning baby." Bati ko kay Alice.

"I have to go."

Tumayo na kami sa kama. Bago pa man din siya makalabas ay chineck ko muna yung nagbabantay na guard.

"Wala na ba?"

"Wala na."

Akmang papalabas na si Alice pero pinigilan ko siya, hinawakan ko siya sa pulso niya.

"Pwede bang sa labas na tayo kumain?" Aya ko sa kanya.

"Ayoko. Si Joanna na lang yayain mo." Malungkot niyang tugon sa akin.

"Sige wag na lang. Susunduin na lang kita mamaya."

"Si Teph na ang susundo sa akin."

"Ah..eh..sige. see you later."

"Okay."

Binitiwan ko na ang kamay ni Alice. Pumasok siya sa dorm niya. Pumunta na ako sa event hall para ayusin na ang mga natitirang dapat ayusin.

"Pres!" Sigaw ni Teph mula sa likod ko.

"Huh? Ano?"

"Kanina ka pa tulala dyan ah."

"Si Alice kasi eh."

"Bakit? Namimiss mo na ba siya?"

"Oo. Sobra."

"Eh di magpansinan na kayo."

"Nagpansinan na kami kaso nagalit ulit siya sa akin."

"Bakit nanaman?" Napahilamos naman sa mukha si Teph.

"Pinilit ko kasi siyang itry gamitin yung home pregnancy test."

"A-anong re-result?"

"Negative pare." Napahawak ako sa noo ko dahil sa galit ko sa sarili ko.

"Sorry pare." Sabay hawak sa balikat ko.

Frustated pa din ako hanggang sa bumalik kami ni Teph sa dorm ko.

"Wag mo na munang isipin yun. Ako bahala sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ako na bahala dun."

"O-kay?"

Nag ayos na kami ni Stephen para sa ball. Mga ilang oras pa ay umupo muna kami sa sofa ko sa sala, pamatay oras lang. 6pm na nang sinundo ni Teph si Alice.

"Wow!" Manghang salaysay ni Teph habang ako naman ay namilog ang mata at natunganga sa ganda niya. Tinapik ako ni Teph para maibalik ang sarili ko. "Hoy Ian tama na yan. Matunaw date ko."

"Ha..Ahm..Hi A-Alice."

"Hi Ian."

"You look gorgeous tonight."

"Thank you."

Shit! Ang ganda niya! Lalo siyang gumanda, with or without make up maganda pa din siya. Bahagyang naka kulot ang kanyang nakalugay na buhok samahan pa ng simple niyang make up at blue gown.

"Sige pre! See you later. Yung laway mo dyan linisan mo ha! Masyado kang naulol sa date ko eh." Ang aasar ni Teph habang naglalakad papunta sa parking lot. Naka alis na sila lahat lahat ay stuck up pa din sa utak ko ang itsura ni Alice ni hindi ko na nga namalayan na kasama ko na pala si Joanna eh.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon