Chapter 32: Space and time

2.1K 28 3
                                        

MONDAY nanaman, that means may pasok kami ngayon. Ilang buwan na din ang nakakalipas nang huli kaming mag usap ni Ian. Netong nakaraan ay lagi na lang akong iniiwasan ni Ian. Tulad na lang ngayon, nagkasabay kami sa pagpasok sa first class namin.

"Good morning!" Sana naman batiin na niya ako.

He smiled at me? Does it mean?

"Good morning din." Malugod niyang balik bati sa akin.

Sa wakas! Pinansin niya rin ako. Napansin niya rin ang beauty ko. Choooooos!

"Papasok ka na sa class?"

"Hindi, sa registrar ako pupunta."

"Bakit? Anong meron?"

"May itatanong lang ako."

"Ahhhhh. So hindi ka papasok ngayon?"

"Oo. Sige mauna na ako sayo. Goodluck sa studies mo ha!"

"Okay?"

Weird naman nun. Una pinansin niya ako tapos ngayon naghabilin pa. Anong meron? Nangtitrip nanaman ba siya? Anyway, naghiwalay na kami ng landas ni Ian. Siya papunta sa registrar habang ako ay papasok na sa first class ko. Good thing wala pa prof namin. Agad akong tumabi kay Teph para tanungin ang kaweirdohan ni Ian ngayon.

"Good morning Alice."

"Morning din Teph."

"Oh bakit ganyan itsura mo? May problema ka ba?"

"Si Ian kasi. He's been acting weird today."

"Panong weird?"

"Kasi kaninang umaga binati niya ako hindi niya naman ginagawa yun nitong nakaraang linggo tapos hindi pa siya pumapasok sa class natin simula nung friday tapos samahan pa ng pagcutting niya nung last two subject namin noong thursday."

"Hahaha! hindi naman siya nagcutting nung thursday, may meeting siya nun with the founder and heads. Tapos nung friday naman kasama niya yung treasurer at auditor namin namili sila ng mga gagamitin para sa acquiantance party. Tapos ngayon hindi ko na alam ang sched niya haha!"

"Ahhhhh. Akala ko naman nagcutting siya. Siya pa naman ang president ng student body dapat role model siya."

"Sus! Dami mong alam, namimiss mo lang eh."

"Hindi ah." Pagtangi ko pero ang totoo naman ay Oo. Namimiss ko na yung Ian na nakilala ko. Kasi dati kapag ganitong wala pa kaming prof lagi siyang pumupunta sa upuan ko para mangulit. Kahit naman may prof kami nangungulit pa din siya through text and paper nga lang pero after ng nangyari sa amin noong naglasing siya at ako ang bantay sa kanya bigla na lang siyang naging cold sa akin.

Kinabig ako ni Teph atsaka inasar asar kay Ian. "Ayiiiiie si Alice namimiss si Ian."

"Hindi nga eh." Napipika kong sagot.

"Wag ka mag alala sasabihin ko kay Ian na namimiss mo na siya."

"Okay lang wala naman akong sinabi na ganun eh."

"Ano kayang iisipin ni Ian? May pagka assumero pa naman yun minsan." Pagpaparinig sa akin ni Teph

"Hoy. Stephen wala akong sinabing namimiss ko na sya." Napatayo na ako sa sobrang pikon ko kay Teph.

"Ikaw? oo pero yung galaw mo pati nilalabas ng bibig mo? Hindi hahaha! Yiiiiie namimiss na niya bestfriend ko."

"Sus! Bakit ko naman mamimiss yung mahangin na yun?"

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon