Umaga palang ay sinundo na ako ni Brixx sa dorm ko. Pumunta kami sa malayong lugar.
"Brixx san ba tayo pupunta? Bakit ang aga natin umalis?"
"Basta."
"Sige ka kapag hindi mo sinabi tatalon ako dito."
"Hindi. Wag! Alright sige na sasabihin ko na."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa pinagmulan kong lugar."
"Saan?"
"Sa Pegasus City."
"Huh? Brixx, bawal akong pumunta sa Pegasus City."
"Bakit naman?"
"Mahigpit na ipinagbabawal ni mommy sa amin ni kuya ang pagpunta sa Pegasus City."
"Bakit naman?"
"Dahil tagadoon kami dati. Doon namatay si daddy. Doon din nagsimula ang lahat."
"Wag mo munang isipin yun dahil sigurado akong matutuwa ka sa pwede mong makita."
"Hindi ko pwedeng suwayin si mommy baka lalo siyang magalit sa akin."
"Wag ka na mag-alala pinaalam naman kita bago kita yayain eh."
"Sure ka ha?"
"Oo naman."
Sa haba ng byahe ay nakatulog na ako.
Brixx POV
Buti na lang pumayag ang dean na isama ko si Alice. Sana magustuhan niya yung lugar na pupuntahan namin at sana 'OO' ang isagot niya sa akin kapag nagtapat na ako sa kanya.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay ginising ko na si Alice."Alice, gising ka na nandito na tayo."
Lumabas na kami ni Alice sa sasakyan at bahagya siyang nag-unat.
"Waaaaaaah! Ang haba ng byahe."
"Tara kain na tayo."
"Saan tayo kakain eh wala namang tindahan dito?"
"Chill ka lang nagdala ako ng pagkain natin."
"Anong klaseng food yan? Lunch?"
"Oo."
"Buti na lang. Nasaan na?"
"Nasa likod. Tara kain na tayo, gutom na din ako eh."
Kumain na kami ng lunch namin kaso sobrang late na.
"Masarap ba?"
"Oo. Pwede ka na ngang mag-asawa eh."
"Buti na lang yung mapapangasawa ko ang una kong pinaglutuan." Pabulong kong sabi
"Ano yun?"
"May sinabi ba ako?"
"Ahhhh. Parang may narinig kasi akong binulong mo."
"Guni guni mo lang yun."
"Ahhhh. Okay."
Pansamantala kaming natahimik pero binasag ko din ang nakakabinging katahimikan naming dalawa.
"Alice."
"Ano yun?"
"Okay lang ba sayo magkaroon ng 20 year old na boyfriend?"
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...