Chapter 52:Sweet Vacation 1

2.6K 54 0
                                        

Ilang araw na lang ay magaganap na ang welcome party namin para kay Brian at sa pamilya niya. Mabilis lang naayos ni Carmen ang lahat. May tribute din silang ginawa pero hindi ko pa nakikita kung ano yun. Tanging si Carmen pa lang talaga ang nakakakita nun.

Kasalukuyan kaming nasa bakasyon kasama ang pamilya ng tita ni Brian, pamilya ni Brian, si Toubie,ako at si Christof.

Ako lang ang nasa rest house ngayon, nasa labas kasi silang lahat nakikiparty. Pati nga anak ko marunong nang makiparty. Sinama pa kasi ng tita ni Brian, siya na lang daw bahala sa anak ko. Hmmmft. Ano kayang ginagawa ng anak ko ngayon?

"Ay! Palakang maharot!" Gulat kong sabi dahil sa paghawak ni Brian sa paa ko.

"Hahahaha!"

Humarap ako sa kanya pero bigla din akong tumalikod dahil baka tumulo ang tubig mula sa platong hinuhugasan ko.

"Wag mo nga akong gugulatin."

"Bakit? May sakit ka na ba sa puso ngayon?"

"Wala, ang tahi tahimik kasi dito kanina..."

"Iniisip mo bang may multo?"

"Oo."

"Matanda ka na masyado Alice para maniwala pa sa multo."

"Wala kang pake kung ano ang gusto kong paniwalaan at hindi."

Bigla na lang siya yumakap sa akin mula sa likod at hinalikan ang buhok ko.

"Hindi ka pa din nagbabago babe."

"B-Brian. Wag mo akong yakapin baka may makakita sa atin magsumbong pa sa asawa mo."

"Walang makakakita sa atin dito. Malayo masyado ang seashore party dito at isa pa nakalock lahat ng pinto dito."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi pwede to, pamilyadong tao na si Brian at ayokong masira yun dahil sa akin.

Binilisan ko na lang ang paghuhugas ng mga plato atsaka ko tinanggal ang mga kamay ni Brian na nakayakap sa akin at naglakad papalayo sa kanya pero hindi ako nagwagi dahil nahablot niya rin ako pabalik sa loob ng kusina.

"Brian."

"Mahal na mahal pa din kita Alice." Pagtatapat niya sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tahimik lang ako at iniyuko ko ang ulo ko. Hinawakan ni Brian ang chin ko para itingala ito at nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita ko ang mga mata niyang nagugulila, matang may hinahanap na kung ano. Hinalikan niya ako sa labi pero hindi ko ito tinutugon pero kahit na hindi ko ito tinutugon ay patuloy pa din siya sa paghalik sa akin at ang mga mapupusok niyang kamay ay naglalakbay na sa loob ng tshirt ko papunta sa bundok ko. Nang mahuli naman niya ang tuktok ng bundok ko ay napahinga ako nang malalim dahilan para makapasok ang dila niya sa loob ng bunganga ko. Hindi siya tumigil sa paghalik sa akin. Mali to Alice. Tinulak ko siya papalayo sa akin.

"Mali to Brian. May asawa ka na at alam kong mahal mo siya. Lasing ka lang."

"Mahal kita Alice. Mahal na mahal."

Hindi ko na lang siya sinagot. Umakyat ako sa kwarto namin nila Toubie at nilock ko ito para hindo siya makapasok. Oras din ang pinalipas ko bago ulit ako lumabas kasi bigla akong nakaramdam ng gutom. Laking gulat ko naman nang mapahiga si Brian sa sahig pagkabukas ko ng pinto. Narinig ko naman ang pagkauntog ng ulo niya sa sahig kaya nag-alala ako bigla. Tinayo niya ang katawan niya habang hawak hawak ang ulo niya na nauntog sa sahig. Bumaba ako para mapantayan siya.

"Okay ka lang."

"Ikaw ba kapag nauntog ka sa sahig okay ka lang?"

"Hindi."

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon