★3:30 pm★Gumising ako.Nag-unat ng konti. Minulat ko ang mga mata ko.
"Anong oras na?"
"Gising ka na pala." Alice
"Kuya! Are you okay?"
"Toubie?"
"Kuyaaaaa!" Sigaw sabay yugyog sa akin ni Toubie
"Toubie, wag mong yugyugin kuya mo."
"Huh?"
Tumayo na ako pero medyo nahihilo pa ako kaya natumba din ako buti nalang nasalo ako ni Alice.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Alice
"Oo ayos lang ako."
"Wag ka na muna kasi tumayo."
Ano ba to? Tang ina! Brian hindi ka kasi nag iingat eh masyadong madami ang nainom mo kagabi.
"Manang!" Sigaw ni Alice
"Ano po yun maam Alice?" Sagot ng tinawag niyang babae
"Paki akyatan naman po kami ng mainit na soup dito pati na din po sila kuya paki dalhan na din po."
"Opo maam."
"Salamat po."
Tumayo si Alice at pumunta sa banyo. Pagbalik niya ay may dala na siyang pamunas at isang tabo ng malamig na tubig.
"Para san yan?" Tanong ko sakanya
"Para sayo. Para mahimasmasan ka ng konti." Alice
Binato ni Alice sa akin ang isang pamunas na malamig.
"Ipunas mo yan sa mukha mo."
Sinalo ko ang pamunas na binato niya at nginitian.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"Wala."
"Wala? Ano ka baliw?"
"Hindi. Bakit kapag ngumiti na baliw agad? Hindi ba pwedeng may naalala lang?"
"Ewan ko sayo."
"Teka Alice."
"Ano yun?"
"Toubie doon ka muna sa labas."
"Bakit mo pinapalabas si Toubie?"
"Kakausapin lang kita. Di pwedeng marinig ni Toubie yun."
Lumabas si Toubie at isinara ang pinto.
"Ano na?" Seryosong tanong sa akin ni Alice
"Yung kagabi."
"Ano?"
"May naaalala ka pa ba sa usapan natin kagabi?"
"Nag usap ba tayo kagabi?"
"Wala. Sige na pwede mo nang papasukin si Toubie."
"Brian."
"Bakit?"
"Minahal mo ba ako?"
"Anong klaseng tanong yan Alice?"
"Sagutin mo ako! Minahal mo ba ako?!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako kay Alice hanggang sa mapasandal siya sa pinto at macorner ko siya. Hinarang ko ang dalawa kong braso sa gilid niya para hindi siya makatakas. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
Roman d'amourSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...