Brian's POV
Ilang araw na ang nakakalipas nang umuwi kami dito sa bahay nila Alice. Simula din ng araw na umuwi kami dito ay hindi na siya naglalalabas ng kwarto, hindi na din namin siya makausap nang maayos, laging umiiyak at sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ng baby namin at lagi ko namang sinasabi sa kanya na hindi niya kasalanan yun."Babe?!"
Hinahanap ko siya ngayon sa buong bahay nila pero wala siya kahit saang sulok man.
"Ano manang, nakita niyo po ba?"
"Hindi po sir eh."
"Try natin sa labas ng bahay. Baka nasa labas siya." Suggest naman ni Levan
Phone rings
"Hello, Evangelista residence."
"Manang kamusta na kayo dyan?"
"Ah...eh...okay naman po kami."
"Si Alice manang gising pa ba?"
"Tulog na po si ma'am Alice."
"Ahhh, ganun ba. Sige manang salamat. Kapag may problema dyan itawag niyo kagad sa akin ha?"
"Opo maam."
"Sige manang. Mag iingat kayo dyan."
"Opo maam."
End of call
"Sino po yun manang?"
"Ang mommy niyo po."
"Oh shit! Tara na Brian. Kailangan na natin mahanap si Alice."
Lumabas kami ni Levan para maghanap, naghiwalay na din kami sa paghahanap.
Babe, nasaan ka na ba?
Nandito ako sa garden ngayon nila Alice. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko.
"Alice?!" Sigaw ko
May narinig naman akong tunog mula sa upuan sa gitna ng garden.
"Babe?! Is that you?"
May narinig naman akong humahagulgol sa kung saan kaya hinanap ko kung saan ito nanggagaling.
"Babe? Are you here?"
Naglakad pa ako nang naglakad nang may makita akong anino ng tao na nakaupo malapit sa bintana ng garden. Agad ko itong nilapitan at nakita ko na si Alice ito, agad ko namang niyakap si Alice.
"Babe? Bakit ka nandito? Mahamog na dito sa labas eh."
"Babe, sorry. Sorry talaga sa nagawa ko."
"Babe wag ka na mag sorry sa akin hindi mo kasalanan yun, walang may kasalanan, walang may gusto ng nangyari kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo. Isa pa pwede pa naman tayo gumawa ng isa pa eh."
Kumapit sa damit ko si Alice at umiyak nang umiyak.
"Babe, tahan na. Alam ko masakit masyado dahil first baby natin yun pero wala namang mangyayari sa atin kung magiging miserable ang buhay natin. Hindi matutuwa si baby sa langit kapag nakikita ka niyang umiiyak, kapag nakikita ka niyang nagkakaganito."
Tumingala siya nang bahagya .
"Baby? I'm sorry sa ginawa ni mommy ha? Love na love ka ni mommy."
"Halika na. Umuwi na tayo sa bahay niyo."
Inalalayan ko siya sa paglalakad pauwi sa bahay nila. Pagdating naman namin ay niyakap kagad siya ng kanyang kuya.
"Saan ka ba galing Alice? Alam mo bang nag-aalala na kami sayo dito? Wag ka namang umalis nang hindi nagpapaalam, halos patayin mo na ako sa nerbyos." Dirediretso niyang salaysay habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
She's mine (COMPLETED)
RomanceSome parts of this story is RATED PG & SPG ------------------------------------------------ First love never dies. Alice ad Brian will prove it to you. Add to your library, Read, Comment, Vote...Thank you for reading my first ever story here in watt...