Epilogue

8K 103 16
                                    

Natapos ang aksidente na nangyare kay Alice at Brian. Walang burol na naganap o kahit ano man. Lubos na nalungkot ang pamilya ni Alice at Brian lalo na ang mga anak nila. Ngayon si Christof at ang mga kapatid niya ay naging ulila na. Matapos ang pagkamatay ni Alice at Brian ay di rin nagtagal ay sumunod na din ang babaeng kumupkop kay Alice si Mrs. Evangelista. Ngayon nag iisa na lang si Levan Evangelista sa pagpapatakbo ng eskwelahan na tinayo ng mga magulang niya at ang kumpanyang pinatayo niya. Si Toubie naman ay sa edad na 19 ay nakagraduate na ng college kung kaya't kahit papaano ay siya ang tumutulong kay Levan sa pagpapatakbo ng kumpanya nito.

"Tito Toubie!"

"Ano yun?" Tanong ni Toubie kay Christoff

"Pwede po bang samahan mo kami ng mga kapatid ko dumalaw kay mommy't daddy?"

"May pupuntahan pa tayo mamaya."

"Saan?"

"Basta."

"Bakit?"

"Basta nga. Gawin mo na lang."

"Kaming magkakapatid talaga?"

"Oo."

"Okay! Sasabihan ko mga kapatid ko sandali lang."

"Umuwi ka na muna sa bahay niyo tapos hintayin niyo na lang ako doon. Pero dapat naka ayos na kayo para diretso alis na tayo."

"Okay!" Masayang sagot ni Christoff kay Toubie tsaka umalis papunta sa bahay nila. Nang marating niya ang bahay nila ay agad niyang pinuntahan ang mga kapatid niya na nasa likod bahay nag-aaral.

"Magbihis kayong lahat! Aalis tayo sabi ni tito Toubie"

"Saan tayo pupunta kuya?" Tanong ni Franklin sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Oo nga po kuya?.

"Hindi ko alam kay tito."

"Ahhhh! Alam ko na."

"Saan?"

"Kung saan man niya tayo dadalhin. Hahahaha!"

"Joker ka din noh?"

"Hahaha! Si Franklin barado kay kuya!" Tuwang pang aasar naman ni Dane sa kapatid.

"Baka nga!" Pikong sagot naman ni Franklin.

"Sige na, magsipunta na kayo sa kwarto niyo para makapag ayos na kayo."

"Unahan tayo oh!" Aya naman ni Ericha.

"Oo ba!" Pagsang ayon naman ni Dane.

"Teka! Walang tatakbo sa hagdan ha? Mapapagalitan tayo atsaka baka madisgrasya pa kayo."

"Opo, kuya!" Sigaw nito.

Dahan dahan namang nagsiakyat ang mga cute niyang kapatid kasunod ang mga yaya nito.

Christoff's POV
    Saan kaya kami dadalhin ni tito Toubie? Mas importante pa ba yun kesa sa pagdalaw namin kila mommy? Kailangan good reason to para hindi namin unahin anag pagdalaw kila mommy. Makalipas ang ilang minuto ay isa isa nang nagsibabaan ang mga kapatid ko at sakto naman nitoay ang pagdating ng tito namin.

"Sir, Christof nandyan na po ang tito niyo."

"Tara na!" Aya ko sa mga kapatid ko, nag unahan naman sila sa paglabas para salubungin ang tito namin.

"Ready na ba kayong umalis?"

"Saan po tayo pupunta tito?" Tanong ni Gin

"Basta! Surprise to."

"Weeeeeh? Saan nga ba tayo pupunta tito?" 

"Surprise nga! Sumakay na kayo para makaalis na tayo."

"Eeeeeeh! Sabihin mo po muna."

"Wag ka nangang sumama ang kulit mo."

"Eto na nga po eh saakay na."

Sumakay na ako sa tabi ng driver's seat habang ang mga kapatid ko naman ay sa likod. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan naming lugar pero bakit kami nandito? May ginawa ba kaming masama? Sa pagkakaalam ko nagpakabait naman ako at maayos naman ang pagpapalaki sa amin ni tito Levan at titoToubie eh.

"Tito bakit tayo nandito?"

"Basta. Bumaba na kayo. "

Bumaba na kami ng sasakyan at sumunod kay tito Toubie. sumakay kami ng elevator papunta sa 6th floor. Pumasok kami sa isang magarang opisina ng isang lawyer.

"Good afternoon Mr. Mendoza."

"Good afternoon. These are my nieces and nephews." Humilera kaming lahat ayon sa pangalan namin dahil yun ang turo niya sa amin simula bata pa lang kami. "This is Christoff Cloud, Danica Dane, Ericha Ean, Franklin Ford, Gary Gin, Hans Hendrick, Immanuel Irvin, and John James."

"Nice to meet you, and I am Atty. Lawrence Monsor.  I am the Berbano family's lawyer."

"Nice to meet you sir." Sabay sabay naming bati sa kanya.

"Please have a seat."

"Sila na ba lahat, Mr. Mendoza?"

"Yes atty."

"Okay! Here you go."

Binigay ng atty. ang isang folder kay tito atsaka naman binigay sa amin ni tito isa isa ang papel. Sabay sabay namin itong binuksan. Laking gulat namin nang nabasa namin ito. Nagtatatalon naman sa tuwa ang dalawa kong kapatid na babae habang ang mga kapatid kong lalaki ay hindi na maalis sa mukha ang ngiti.

"Yehey! Tito thank you sa magandang surprise na ito! We love you tito!" sabi ni Dane at Ericha tsaka yumakap kay tito Toubie!

"Wala yan. Kulang pa yan sa mga ginawa para sa akin ng mommy niyo at daddy niyo. Ngayon isa na kayong legal na Mendoza. Legal ko na kayong mga pamangkin."

"Thank you talaga tito!"

"Tito Toubie! Punta na po tayo kila mommy para makita na po nila ito. please tito!"

"Oo ba! Tara na!"

"Atty. Thank you po."

"Trabaho ko yun iho. Isa din kasi yan sa habilin ng mommy niyo."

"Salamat po talaga."

"Congratulations sa iyo at sa mga kapatid mo."

"Salamat po ulit."

"Sige po atty, Lawrence aalis na po kami. pupuntahan pa po kasi namin sila kuya eh."

"Sige, mag-iingat kayo ha?"

"Opo."

Masaya kaming naglalakad papunta sa parking lot. Pagkatapos namin sa office ni atty. ay pumunta na kami sa puntod nila mommy. Masayang kinuwento ng mga kapatid ko ang magandang balita na natanggap nila ngayon. Halong emosyon naman ang naramdaman ko dahil kami lang magkakapatid ang napalitan ng apilido samantalang si mommy ay hindi dahil sa hindi pa sila kasal ni daddy. Naaalala ko pa ang mga araw na palihim na nag-aayos si daddy para sa kasal nila ni mommy.

Hi there mommy and daddy. Kamusta na po kayo dyan? Sana po okay lang kayo dyan ni daddy kasama si baby, mommy pasensya na po kayo sa mga kapatid ko ha? Ang kukulit, pero mommy alam mo po nagmana sayo si Dane at Gin, pareho kayo ng mga hilig. Matatalino din po ang mga kapatid ko tulad niyo ni daddy. We miss you mommy and daddy. 

Hindi ko na napigilan pang umiyak sa harap ng puntod nila mommy at daddy. Nang mapansin naman ako ng mga kapatid ko ay niyakap nila ako at isa isa na din silang nag iyakan.

"Kuya! Ano ba itong mga anak mo mga iyakin. huhu! Miss na kita kuya. Promise ko sayo aalagaan ko ang mga anak mo tulad ng pag-aalaga niyo sa akin ni ate Alice. Sobrang miss na namin kayo."

"Hindi lang naman po kami ang iyakin tito eh! Ikaw din eh!" sabi ni Ericha kay tito Toubie tsaka isinama sa yakapan naming magkakapatid.

WAKAS~

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon