Chapter 7

614 24 0
                                    

Chapter 7

"I'm sorry Jer , I'm really sorry" hingi ko ulit ng tawad kay Jerson. Kita kong tumawa lang siya sa akin habang patuloy sa pagmamaneho.

"Pang lima na yan" aniya.

"I'm serious"

"Yeah I know. Its okay Ivy. Alam ko naman kung bakit ganon ang mga kapatid mo. They're just protecting you and I understand them. You're the only girl in the family. Kaya ganon sila umasta. Sa totoo lang sobrang cool ng mga kapatid mo. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nila malamang ganon din ang gagawin ko" aniya. Napahinga nalang ako ng malalim.

"But they're too much" mahinang aniko.

"Ayos lang yon. So saan mo gustong pumunta?"pag iiba niya ng topic. Napangiti ako , ang kaninang excitement ko ay biglang bumalik.

"Hmm. Siguro kain mo na tayo. Gutom na ako eh" sabi ko.

"Alright" aniya. Agad kaming humanap ng makakainan pagkatapos non ay nagdesisyon kaming pumunta sa mall para manood ng sine.

Naging masaya ang araw na iyon. Nakalimutan ko ang mga problema ko at nag enjoy kasama si Jerson. Alas kwatro na ng maihatid niya ako sa amin.

"Thank you for today , Jer. Nag enjoy ako" sabi ko habang inaalis ang seatbelt.

"I'm glad you enjoy." Aniya.

"So  , kita nalang sa lunes?"tanong ko. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti naman ako sa kaniya.

"Ivy"

"Hmm?"

"I want to court—"sabay kaming napatingin sa tapat ng bintana ko ng kumatok ang mga kapatid ko. Napapikit nalang ako sa inis ng sinipa sipa pa nila ang sasakyan ni Jerson.

"Bakit ang tagal niyo sa loob!? Ilabas mo ang anghel namin!"napairap ako ng marinig ang boses ni Kuya Axcel.

Kita kong napailing nalang si Jerson bago bahagyang natawa.

"Thank you ulit" sabi ko bago bumaba ng sasakyan niya. Baka kasi masira pa dahil sa kakasipa ng mga  kapatid ko.

"Thank you din" aniya bago kumaway. Nang makaalis na si Jerson ay nakapamewang kong binalingan ang mga kapatid ko.

"Ughhh! You are all so annoying!!"aniko at nagmamartsang iniwan sila roon.

Dumeretso ako sa kwarto ko at inilock iyon. Nakakainis sila! Mga kontrabida! Minsan na nga lang akong makalabas ng hindi sila kasama eh! Nakakainis!

Lumipas ang isang buwan ng mapayapa ang buhay ko. Malapit na ang summer. Meaning malapit na ang debu ko.

Busy na nga si Mommy at Daddy sa pag aasikaso ng birthday ko eh. Masyado silang excited eh 2 months palang naman bago ang debu.

"Honey , saan mo ba gustong ganapin ang debu mo? "Tanong ni Mommy sa akin habang nasa hapag kami.

"Mom , malayo pa naman yon" sabi ko.

"Sweetie , two months nalang. Baka kulangin tayo sa oras. Kailangan maging isang grand debu yon. Hindi ako papayag na hindi detalyado ang lahat" aniya.

"Oo nga naman princess. This is your debu , a once in a lifetime event. Hindi kami papayag na simple lang" sang ayon ni Kuya Arcin.

Napahinga nalang ako ng malalim. "Fine kayo nalang po ang bahala sa lahat" aniko. Natapos ang dinner na iyon na puro pagpaplano lang tungkol sa darating kong birthday ang topic.

Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Kuya Arvin. Isang buwan ko na siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya siya?

Aattend kaya siya sa birthday ko?

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon