Chapter 46

437 13 0
                                    

Chapter 46

"Hi little baby! Napatawag ka?"tanong sa akin ni Kuya Azrel. Nakaharap ako sa loptop ko habang nakatingin sa nakangiting muka ni Kuya sa screen.


"What is this?"seryoso kong tanong at pinakita sa kaniya ang  invitation card. Kita kong nanlaki ang mata niya bago ngumiti. "Oh invitation?"hindi sigurado niyang sagot kaya sumama ang muka ko.



"Seriously? You're getting married?"hindi makapaniwala kong tanong. "And with my best friend? Can you explain me how did this happen?"kuryoso kong tanong. Ngumisi lang siya sa akin bago tumingin sa gilid niya.


Kumunot ang noo ko.

"Baby do you want to talk to her?"tanong niya sa katabi. At sigurado akong si Misha iyon.


"She's mad at me"rinig ko ang boses ni Misha kaya napaikot ang mata ko. "Give her the camera Kuya"utos ko. Tumingin naman sa akin si Kuya.


"Okay"aniya. Nawala siya sa screen at ilang sandali pa ay nakita ko na ang muka ng best friend ko na ilang taon kong hindi nakita. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin ng makita ko siyang ngumiti sa akin.


"Uhhmm Hi?"hindi sigurado niyang bati. Ramdam ko ang awkward na nararamdaman niya habang nakaharap sa camera.


"I hate you"yun ang unang lumabas sa bibig ko. Kita ko siyang natigilan bago mapait na ngumiti sa akin.

"I know. I'm sorry"mahina niyang bulong. Nanlabo ang mga mata niya at umiwas ng tingin.

"I miss you"nanginig ang labi ko. Kita kong tumulo ang luha niya. "I miss you too beshy. Uwi ka na rito"aniya. Tumango ako.


"Uuwi talaga ako. Sasabunutan pa kita eh"aniko. Natawa siya ng bahagya sa akin.


"Sige wag kang mag alala. Mag papasabunot naman ako"aniya. Napangiti tuloy ako. "How are you?"she asked.


"Eto , buhay pa naman. Eh ikaw? Paano mo ipapaliwanag sa akin ang invitation card na to?"tanong ko at pinakita sa kaniya ang hawak.


Napakagat siya sa labi niya. "Sisihin mo ang kapatid mo. Siya ang atat na gumawa ng invitation card kahit next year pa naman ang kasal"simangot niya at tumingin sa kanan upang tingnan si Kuya.


Napaikot naman ang mata ko. Next year pa naman pala ang kasal tapos may invitation card na agad. Napaka OA talaga ng kapatid ko. Tsk. Hindi na nagbago.


"Hindi ka naman buntis diba?"tanong ko. Agad nanlaki ang mata niya. "What!? Hell no! OA lang talaga ang kapatid mo!"depensa niya. Natawa naman ako.


"Hindi ka pa nasanay? Ganyan talaga yan. Kaya kung ako sayo iwan mo na"biro ko.


"The hell little baby!?"rinig kong reklamo ni Kuya Azrel sa kabilang linya kaya natawa nalang kami.


"When will you come home , cousin?"tanong ni Misha ng nakangiti. Hindi na ako nagulat na alam na niya ang totoo. Malamang sinabi na iyon nina Kuya.


Napaisip naman ako. "Sasabay ako kay Jer pauwi"ani ko. Tumango naman siya.

"Alam na ba ni Tito?"tanong niya. Umiling naman ako. "Hindi ko pa nasasabi"aniko.



Kinagabihan ay pinuntahan ko sa study room si papa para sabihin ang balak ko.


"Buenos noches , papa"bati ko pagkapasok. Tumingin naman siya sa akin bago ngumiti.


"Buenos noches"bati niya pabalik. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa katapat na silya.

"What brought you here hija?"he asked.

"Ahh I'm... planning to go back to Philippines"mahinang ani ko. Natigilan siya sa narinig bago ngumiti. "Alam kong darating ang araw na sasabihin mo iyan"aniya.


Nakagat ko ang labi ko. "I'm sorry for not be able to stay here for long papa"hingi ko ng tawad. Umiling naman siya. "Don't say that Ivy. Masaya ako na kahit sa maikling panahon lang ay binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka"aniya.



Ngumiti ako bago tumayo at lumapit sa kaniya. "Thank you for everything papa. I love you"

"I love you too anak. Nasabi mo na ba ito sa tita at kapatid mo?"tanong niya. Humiwalay ako sa kaniya bago umiling.


"You should tell them , especially Kate"aniya.

"Yes papa"

Matapos ang pag uusap namin ni papa ay sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Kate. Buti nalang at hindi pa siya tulog at nagbabasa pa ng reading book niya.


Nang makita niya akong pumasok ay agad siyang ngumiti sa akin. Lumapit ako sa kaniya bago umupo sa kama.

"What are you reading?"I asked her.

"A novel ate"aniya bago pumula ang pisngi. Hay naku , nagdadalaga na talaga ito. She's already fifteen years old. Hindi ko siya masisisi kung magbasa na siya ng mga nobela.


"Can I see it?"tanong ko pero tinago niya ang libro sa likod niya at umiling. Natawa nalang ako.

"Okay I won't" sabi ko nalang.

"Kate?"tawag ko sa kaniya. "Hmmm?"

"Ate is going back to Philippines"aniko. Kita kong natigilan siya. "Why? You don't like it here?"malungkot na tanong niya.

I shooked my head. "Of course not Kate. I love it here. But , there are some things that I need to do that's why I'm going back"paliwanag ko.


"Will you going to stay there forever?"

"Uhmmm I can visit here often if you want"

"Is it really important?"

I nod. "Yes Kate. You can understand me right?"tanong ko. Alam kong maiintindihan niya ako. Malaki na siya at matalino.

"I understand ate. But I'm gonna miss you"malungkot niyang saad. Napangiti naman ako bago siya niyakap.

"I'm gonna miss you too"

Kinabukasan ay si tita Estela naman ang sinabihan ko na uuwi na ako sa Pilipinas. Pinayagan naman niya ako kasi sabi niya ay hindi naman niya hawak ang buhay ko. Kung saan daw ako sasaya ay doon rin siya.


Kaya naman sinimulan ko ng asikasuhin ang mga papel ko. Tinawagan ko narin sina Mommy na uuwi na ako at sobrang saya  nila. Ilang beses pa nga nila akong tinanong kung kelan ang flight ko pero hindi ko sinabi.


I want to surprise them.


"Blooming ni doc ah"tuya sa akin ni Jer. Nasa clinic ko siya ngayon at nag papahinga.

"Syempre naman! Excited na kaya akong umuwi"aniko. Marami na akong plano pagbalik ng Pilipinas. Meron naman na akong naipon dito kaya nag babalak akong magtayo ng sarili kong ospital ng mga hayop.


"Really hmm? Nag empake ka na ba?"tanong niya. Ngumiti naman ako.


"Of course!"

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon