Chapter 48

423 14 0
                                    

Chapter 48

"How are you?"napatingin ako kay Misha na lumapit sa akin sa may railing ng veranda. Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ang buwan.

"I'm good , you?"tanong ko. Ngumiti siya sa akin at tumingin rin sa buwan upang pagmasdan iyon. May hawak siyang kupita ng alak sa isang kamay.

"I'm happy"ngiti niya.

"I can see it"I said.

"Are you happy too Ivy?"natigilan ako ng konti sa tanong niya. "Yeah?"

"You're not sure?"

Nagkibit ako ng balikat sa kaniya. Sa totoo hindi ko alam kung masaya ba talaga ako. Para kasing may kulang pa sakin. "I heard from Azrel about you and Arvin"panimula niya. Mapait naman akong napangiti.

Yeah. Me and Arvin? Sa tingin ko hanggang magkapatid nalang talaga siguro kami. Kahit pa sabihin na hindi naman kami blood related pero sa mata ng lahat magkadugo kami. At hindi maaring magkaroon ng relasyon. Masakit man pero iyon ang totoo. Matagal ko narin iyong natanggap. Ang kailangan ko lang ay mag move on.


"So you really didn't stay away from him? Sabi ni Azrel nagkaroon daw  kayo ng lihim na relasyon"dugtong pa niya. Tumango ako baka siya hinarap. Sumandal ako sa railing.

"Yeah. Hindi ko na napigilan eh. Kahit na ilang beses ko siyang iwasan bumabalik at bumabalik parin ako sa kaniya"malungkot kong saad. "Pero wala na iyon ngayon. Alam ko naman na hindi talaga kami pwede"dugtong ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Sigurado ka? Hindi mo na ba siya mahal?"napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa tanong niya.

Napaisip ako. Hindi ko na ba talaga siya mahal? Limang taon din ang lumipas. Posible ba na makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya?

"I....I don't know"totoo kong sagot. Huminga siya ng malalim bago lumapit sa akin at haplusin ang balikat ko.

"Why don't you figure it out?"

"What do you mean?"

"Talk to him"she said. I shooked my head. "I can't. Our last encounter was—"

"Tragic?"

"How did you know?"

"Is that a question? Of course , from Azrel. Madaldal din ang isang yon eh"paliwanag niya. Umayos ako sa pagkakatayo at muling hinarap ang buwan. Nagkakasayahan sila sa loob habang tahimik naman kaming nag uusap ni Misha.

"Do you think I need to talk to him?"

"Of course! Para naman may closure kayo kung sakali man na hindi talaga kayo ang para sa isat isa"aniya.

Closure? Bakit parang ang sakit naman ng salitang iyon? Ang alam ko kasi pag may closure ibig sabihin nun na tanggap mo na kahit kelan na hinding hindi magiging kayo. At parang hindi ko yata kayang tanggapin iyon.

"Misha?"

"Hmm?"

"Do you think he's still like me?"tanong ko. Pero sa ikaibuturan ng puso ko ay umaasa ako na ako parin. Nagkibit balikat si Misha sa akin. "I don't know? Mahirap basahin ang seryosong lalaki"aniya pa.

Tumingin naman ako sa loob upang pagmasdan ang pamilya ko na nagkakasayahan. Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa huminto ito sa dalawang pares ng kayumangging mata.


Kumalabog ang puso ko ng magtama ang tingin namin. May hawak siyang baso ng alak sa kamay habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa akin. Mariin ang titig niya na parang pati kaluluwa ko ay nakikita na niya.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon