Epilogue
"Kuya Arvin!"tumingin ako kay Axcel ng tawagin niya ako. Humahangos siya na para bang galing sa isang marathon.
"What?"
"Dumating na si Mom!"masigla niyang saad. Napangiti ako. Galing kasi si Mommy sa Spain dahil naaksidente ang best friend niya. Tatlong araw din siya duon.
Lumabas ako ng kwarto ko at sabay kaming pumunta sa sala. Tumakbo si Axcel papunta kay Mommy. Yayakap na nga din sana ako sa kaniya ng matigilan. Naagaw ng pansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa tabi niya at nakatulala lang sa kawalan.
Bilugan ang muka nito at may itim na mata.
Who is she?
Yun ang unang beses na nakita ko si Ivy. Tulala lang siya na parang ang lalim ng iniisip.
"Who is she Mom?"inosenteng tanong ni Alvis. Limang taon lang siya noon. Habang si Azrel naman ay anim , si Arcin ay siyam na taon , si Axcel ay sampo samantalang labing isa naman ako.
Ngumiti si Mommy sa amin. Hinawakan niya ang buhok ng tulalang bata.
"Remember your tita Elisa? She's her daughter"sagot ni Mommy. Napatango naman ang mga kapatid ko. Yeah , I remember her.
I looked at the little girl sitting beside my mother. "Bat siya nandito?"tanong naman ni Azrel.
"Pwede po bang dito nalang siya? Para may kapatid na kaming babae! Promise Mommy, hindi namin siya aawayin"masiglang saad ni Arcin.
"Oo nga Mom!"sang ayon ni Axcel. Malungkot namang napangiti si Mommy.
"Yes. Mula ngayon dito na siya titira"malungkot niyang saad. Tumalon talon naman sina Alvis at lumapit sa batang babae.
"Hi! My name Alvis baby girl!"
"Azrel ang pangalan ko little baby!"
"Pwede mo akong tawaging Kuya Arcin prinsesa!"
"Ganon din ako angel! Mula ngayon kuya muna kami!"masiglang ani ng mga kapatid ko.
I smiled. Lahat kami ay gustong magkaroon ng kapatid na babae. Kahit si Mommy ay gusto rin, ang kaso lang ay hindi kami biniyayaan. Pero ngayon mukang pinalad na kami.
Sobrang laki ng mga ngiti nila ngunit nawala iyon ng hindi magbago ang muka ng bata. Nakatulala parin ito sa kawalan.
What's wrong with her?
Tumingin kami kay Mommy na nagtataka. Napabuntong hininga nalang siya. "Your tita Elisa is dead"panimula niya.
"Po? Why?"
"Because of car accident. Kasama niya si Ivy kaya nagkaroon siya ng head trauma"paliwanag niya. Tumango naman ang mga kapatid ko.
So, her name is Ivy.
I looked at her again. Pinaliwanag sa amin ni Mommy ang lahat. They will adopt the girl. Ang sabi niya ay matindi ang naging aksidente. Buti nalang at hindi napuruhan si Ivy dahil pinrotektahan siya ng mama niya.
Ang kaso lang ay nagkaroon iyon ng matinding impact sa kaniya. Ang sabi ng doctor ay maaari naman siyang bumalik sa dati pero wala na siyang maalala.
Parati kaming nasa kwarto ni Ivy. Sinusubukan namin siyang kausapin pero walang nangyayari. Hanggang sa isang araw ay nakita ko siyang umiiyak.
Nag aalala ako kasi iyon ang unang beses na nagpakita siya ng emosyon. Tinawag ko agad sina Mommy at Daddy.
Dinaluhan niya si Ivy at niyakap.
"Shhh. It's okay honey. Mommy's here"
Tumigil siya sa pag iyak at tumingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Любовные романыBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...