Chapter 5
Isang linggo ang lumipas simula ng magkausap kami ni Kuya Arvin. Simula ng gabing yon ay hindi ko na siya nakita sa bahay. Hindi ko alam kung umuuwi pa ba siya o hindi.
Pero nung nagtanong ako kay Daddy sabi niya pansamantala munang hindi uuwi si Kuya dahil busy ito pag aaral. Nagsisimula na kasi ito sa ojt niya sa ospital. Hectic daw ang schedule niya kaya pinili niyang mag stay-in nalang muna sa ospital.
Doctor kasi ang ang course ni Kuya gaya ng kay Daddy. Siya rin ang inaasahang susunod na hahawak ng ospital namin.
Daddy is the chairman of the board. Siya ang namamahala sa ospital namin na kalapit lang ng college building.
We have three branches of hospitals. And a one big company. Maraming property si Daddy. Galing kasi siya sa mayamang pamilya. He's an only child kaya lahat ng ari-arian nila ay napasa sa kaniya.
Kasama roon ang school na pinapasukan ko. Nung buhay pa sina lola at lolo ay sila pa ang namamahala ng school. Pero nung nawala na sila ay ipinasa niya ito kay Mommy.
Ayaw kasing tanggapin ni Daddy ang pamamahala sa school dahil masyado na daw hassle. Mababaliw na daw siya kung sabay sabay niyang patatakbuhin ang mga hospital ,ang company at malaking school. Kaya nakiusap siya na kay Mommy nalang ibigay total teacher naman si Mommy.
Bukod doon ay may hacienda pa kaming pag mamay ari. Ang kaso lang sumuko na si Daddy. Kaya nagbayad siya ng mga tauhan upang pamahalaan iyon ng mabuti.
Ang sabi nga noon ni Daddy na buti nalang marami siyang anak. At least may mag aasikaso ng mga property namin. Hindi gaya niya na nahihirapan mag manage mag isa.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ang isang floral dress. Napangiti ako bago kinuha shoulder bag ko.
Ito ang araw kung saan kami lalabas ni Jerson. Excited na nga ako kasi ito ang unang beses na lalabas ako kasama ang isang lalaki na wala ang mga chaperone kong mga kapatid.
Buti nalang talaga at grounded sila ng isang buwan. At least malaya akong maggala ng walang nakabuntot sa akin.
Dahil bawal lumabas sina kuya. Isang buwan silang magiging home schooled at sobrang nagpapasalamat ako ron. Pero syempre , my asshole brother's will always be an asshole.
Bakit? Kasi kahit grounded sila hindi iyon naging hadlang para hindi tumakas gabi-gabi para pumunta sa bar at mang babae.
Minsan nga nahuli ko silang parang magnanakaw na dahan dahang gumagalaw sa sala eh. Akala ko talaga non nilooban na kami. Patay na kasi ang ilaw at halos tulog na ang mga tao sa bahay. Kung hindi ko lang narinig ang murahan nilang apat ay hindi ko malalaman na sila yon.
Paano ba naman kasi , ang apat kong kapatid ay parang mga asong gumagapang palabas ng bahay.
Rinig ko rin ang mga murahan nila."Tang ina mo Alvis! Yung kamay kong hayup ka!" rinig kong reklamo ni Kuya Arcin.
" Bakit ba ang bagal bagal niyo!?" Kuya Azrel hissed.
"Pwede bang wag kayong maingay!? Baka magising si Mommy" rinig kong saway ni Kuya Axcel.
"Wala akong makita mga gago kayo!"ani Kuya Alvis.
Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko. Syempre wala silang makikita kasi patay yung ilaw. Buti nalang dala ko yung cellphone ko kaya may ilaw ako at kitang kita sila. Tsk.
Lumapit ako sa may switch sa sala at binuksan iyon.
"Shit! Nabuking tayo!"kita kong sabay sabay na gumapang ang mga kapatid ko at nagtago sa likod ng sofa. Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...