Chapter 54"Ivy"tawag sa akin ni Arvin. Kanina pa siya nag uungot sa kama habang nakasandal ako sa headboard at nakatutok sa loptop ko.
"Let's sleep"aniya pa. Hinawi niya ang buhok ko upang ilagay sa kabila kong balikat bago niya inumpisahang halikan ang leeg ko. Nakahawak narin ang isa niyang kamay sa hita ko.
"I'll just finish this"aniko. Patuloy ako sa pagtitipa ng kunin niya iyon at ilagay sa side table ng kama. Napahinga nalang ako ng malalim. Nang humarap siya sa akin ay mabilis niyang sinalubong ang mga labi ko.
Ganito ang lagi naming eksena ni Arvin sa tuwing bumibisita siya sa condo ko at duon natutulog. Minsan ay lumalabas kami para mag date.
Samantalang nagsisimula na ang construction para sa ospital ko. Sa ngayon ay masaya ang buhay ko kahit na hinahanda ko parin ang sarili ko para sabihin kina Mommy ang tungkol samin.
Nasa harapan ako ng salamin ng tumunog ang cellphone ko. Kanina pa nakaalis si Arvin dahil maaga ang duty niya. Kinuha ko ang telopono ko upang sagutin ang tawag ni Misha.
"Hi Ivy!"bati niya. Napangiti naman ako. Ang lakas ng energy ng babaeng to. "Yes?"
"I'm bored girl! Umalis sila Azrel kasi may bisitahin daw siyang site sa bukidnon"aniya. Napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman ang pagahon ng mga kinain ko.
Actually , kanina ko pa nararamdaman ang ganito. Nagising ako kaninang umaga na tumatakbo papunta sa banyo upang sumuka.
"Hey are you okay?"nag aalalang tanong niya sa kabilang linya. Mukang narinig ang pag duwal ko.
"I'm not Misha. Kanina pa masama ang pakiramdam ko"pag amin ko. Nang matapos ako sa pag duwal ay walang gana akong lumabas sa banyo at pabagsak na humiga sa kama.
"Huh? Uminom ka na ba ng gamot?"
"Yeah"
"Walang epekto?"
"Hindi ko alam. Pwede bang mamaya kana tumawag? Inaantok ako"aniko at humikab. Natahimik naman siya sa kabilang linya. "Punta ako diyan"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman siya pupunta dito?
"Hindi naman kailangan—"
"Basta"aniya. Hindi na niya ako pinatapos at binaba na ang tawag. Samantalang umayos naman ako ng higa sa kama at ipinikit ang mga mata. Nung isang araw , napagdesisyunan namin ni Arvin na sabihin na kina Mommy ang lahat.
Nasa kanila na iyon kung tatanggapin nila ang relasyon namin o hindi.
Mabilis akong dinalaw ng antok sa nagdaaang minuto. Nagising nalang ako ng makarinig ng katok sa pintuan. Bumangon ako sa kama at bago paman ako makarating sa pinto ay muling bumaliktad ang sikmura ko.
Halos maiyak na ako ng halos isuka ko na pati ang mga bituka ko. Ano bang nangyayari sakin?
Naghugas ako ng kamay at muka bago muling nagtungo sa pinto. Binuksan ko iyon at agad bumungad sa harapan ko ang busangot na muka ni Misha.
"Ang tagal naman"reklamo niya. Tuloy tuloy siyang naglakad papasok. Umupo siya sa sofa habang tamad naman akong sumunod sa kaniya.
"Kamusta pakiramdam mo?"kuryoso niyang tanong.
"Masama"
"Gaano kasama?"
"Sobrang sama na gusto kitang sapakin dahil sa pag istorbo ng tulog ko"inis kong saad sa kaniya. Natawa siya sa akin. Kinuha niya ang bag niya na nakapatong sa lamesa. May kinuha siya roon at nakangising inabot sa akin ang isang plastic na may lamang tatlong kahon. Nagsalubong ang kilay ko ng pagmasdan iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/305853774-288-k415775.jpg)
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomantikBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...