Chapter 36

373 14 0
                                    

Chapter 36

Naging masaya ang sumunod na mga araw. Kahit na sekreto ang relasyon namin ni Arvin ay masaya parin kami.

We always eat dinner together. Lagi siyang naglalaan ng oras para sa akin. Minsan nga nakokonsensya na ako kasi kahit pagod siya galing sa duty ay sinusundo parin niya ako sa paaralan.



"Arvin , you really don't need to do this. Alam ko namang pagod ka"sabi ko sa kaniya pagkapasok ko sa kotse.


"It's okay love"aniya at hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Ngumiti siya sa akin bago pinaandar ang sasakyan.



"Nandon na ba sila?"tanong ko. Tumango naman siya.


May family dinner kasi kami ngayon. Request iyon ni Mommy dahil hindi na daw kami nag kakasalo-salo sa hapunan.



Nang makarating kami sa restaurant na pina-reserve ni Mommy ay pumasok na kami. Tinanggal ko ang kamay ni Arvin na nakahawak sa bewang ko at tumingin sa kaniya.


"Behave please?"

"Okay"

Lumapit kami kina Mommy na masayang nag kukuwentuhan sa lamesa.

"Nandito na sila , sa wakas!! Makakakain na ako!"deklara ni Kuya Alvis at kumuha ng pagkain sa lamesa at nilantakan iyon.

"Bat ang tagal niyo naman princess? Gutom na kami eh"reklamo ni Kuya Arcin. Napangiti nalang ako at umupo sa tapat ni Kuya Azrel na tahimik lang.


Pakiramdam ko ay tinusok ang puso ko ng makita siyang ganoon. Hindi naman siya ganito dati. Simula nung nawala ng parang bula si Misha , naging tahimik na siya at seryoso.



And I'm starting to hate Misha for doing this to my brother! She's so selfish!


"Sorry naman kung late kami"ani ko sa mga kapatid ko. Umupo sa tabi ko si Arvin bago kami nagsimulang kumain.


"Okay lang angel. Ikaw pa. Talagang  patay gutom lang yang si Alvis"ani Kuya Axcel. Mabilis naman siyang sinamaan ng tingin ni Kuya Alvis.

"Gago ka! Ikaw kaya hindi kumain ng tanghalian. Ewan ko lang kung di ka mamatay sa gutom"banat ni Kuya Alvis sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nag kukuwentuhan. Panay ang sulyap ko kay Kuya Azrel na pinagmamasdan lang kami. Napahinga nalang tuloy ako ng malalim.


"You're graduating this year right , Axcel?"tanong ni Daddy kay Kuya. Tumango naman siya. "Yes Dad"tumango naman si Daddy.

"Ako Dad , hindi mo tatanungin?"ngising tanong ni kuya Alvis. Mabilis naman siyang inismiran ni Daddy.

"Madami ka pang kakainin bigas , Alvis"

"Dad naman!"reklamo niya na nagpatawa sa akin.

"Kelan niyo  ba ako bibigyan ng apo?"bigla namang sabat ni Mommy. Mabilis na nagtinginan ang mga kapatid ko.

"Mommy naman , yan kana naman eh"ani Kuya Arcin.

"Oo nga Mom , bata pa kami. Huwag ka munang humingi" sang ayon ni Kuya Axcel.

"Ako Mommy , baka malapit na"ani naman ni Kuya Alvis kaya natuon ang atensiyon namin sa kaniya.


Kita kong sumama ang muka ni Daddy at Mommy sa kaniya.

"Ayaw namin ng apo sayo Alvis. Bata ka pa"ani Daddy. Sumimangot naman si Kuya.

"Anong bata!? Twenty one na ako. Kaya ko ng gumawa ng baby!"reklamo niya. Agad naman siyang binatukan ni Kuya Axcel.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon