Chapter 10
Nakarating kami sa Isla after two hours. Agad kaming namangha ni Misha sa magandang tanawin sa harapan namin.
"Ivy diba sabi mo rest house? Bakit mansion yung nakikita ko? Ilan bang mansion ang meron kayo?" tanong sa akin ni Misha.
Napailing ako. "Hindi ko rin alam Misha" aniko.
Napatingin ulit ako sa malaking mansion na nakatayo sa tabing dagat. Meron itong limang baitang na hagdan mula sa buhanginan bago makarating sa harapan ng bahay. Malawak ang harapan nito at meron din isang swimming pool. Nasa tatlong palapag ang bahay at sa itsura nito. Sigurado akong sobrang daming kwarto sa loob.
Mala ancient din ang itsura nito. The mansion has a beautiful interior. Maraming mga antik sa loob at mala Italian at Spanish ang disenyo. Sobrang ganda , grabe.
Ngayon palang ako nakapunta rito. Ang ganda magbakasyon sa lugar nato. Hayy.
"Wow this place is amazing!"rinig kong ani Misha.
"Indeed"sang ayon ko. Bagay na bagay talaga ang lugar nato para sa debu ko. Ang galing talaga ni Mommy.
"Maligayang pagdating senior!"naagaw ang atensiyon namin ng isang matandang babae na mukang nasa edad limampo na pataas. May kasama itong isang dalagita na sa tiyansa ko ay mga nasa 15 ang edad. Nakasuot ito ng isang simpleng dress na kulay krema. Nakatago ito sa likod ng matanda na mukang nahihiya.
Ang cute naman niya.
"Manang Lema!!"ani Daddy at agad yumakap sa matanda.
"Kamusta napo?"tanong ni Daddy.
"Aba eh malakas parin naman sa awa ng Diyos. Teka sila na ba ang mga anak mo , Jandro? Aba eh kegagwapo naman"anang matanda.
"Syempre naman! Mana sa akin. Okay guys listen up! This beautiful maiden here is my Manang Lema. Siya ang care taker nitong mansion" ani Daddy. Tumango naman kami.
"Madagandang araw po lola. Ako po si Ivy"bati ko.
"Ako naman po si Misha"
"Napakaganda naman ng mga batang ito.
"My name is Azrel Lola"
"Cool Alvis here!"
"Handsome Axcel"
"Arcin at your service"
"I'm Arvin"
Sunod sunod na nagpakilala ang mga kasama namin. Ngumiti naman si Manang Lema bago kinuha ang kamay ng dalagita niyang kasama.
"Manang mana ang mga gwapong binata na ito sayo , Jandro"anang matanda na nagpatawa kay Daddy. "At sobrang ganda mo parin , Camila."puri naman niya kay Mommy.
"Si Manang talaga ang hilig mang bola" ani Mommy saka tumawa.
"Siya nga pala , ito ang apo kong si Naila. Siya ang katuwang ko sa pagbabantay ng mansion" pakilala ni
Manang Lema sa apo niya."M-magandang a-araw p-po" ani Naila. Nangangatal pa siya sa hiya at kaba.
"So paano bayan? Pumasok na tayo"yaya ni Daddy kaya pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pagkapasok namin ay isa isang tinuro ni Manang Lema ang mga magiging kwarto namin. Gaya ng inaasahan ay sobrang daming kwarto ng bahay. Kaya naman isa isa kami ng silid.
Nasa katabing silid ko si Misha. Mabilis lang akong huminga sa kama ko at pinikit ang mga mata.
Nakakapagod ang biyahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na may kumakatok sa pintuan ko.
Agad akong bumangon at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang maamong muka ni Naila. "H-hi po , seniorita. Kakain na daw po" nakayukong aniya. Napangiti nalang ako.
Ang cute ng isang to. Sobrang hiyain.
Tumango ako sa kaniya. "Okay bababa narin ako. At saka , pwede bang wag mo na akong tawaging seniorita? Nakakailang kasi at hindi ako sanay. You can just call me ate Ivy"sabi ko.
Kita kong nagulat siya pero tumango din. Ang masunurin naman.
"Sige po ate Ivy" aniya. Ngumiti lang ako bago kami bumaba sa dining area. Duon ko lang napansin na gabi na pala. Mukang napahaba ang tulog ko.
Nang makarating kami ron ay nakita kong nandun na si Misha. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Kita kong kompleto narin sina Kuya Arcin pati ang mga babae nila.
Nasa hapag narin si Ava na nakaupo sa harapan ko pero wala pa si Kuya Arvin. Napatingin ako sa tabi niya kung saan nakaupo ang isa sa babae ni Kuya Axcel. Kumunot ang noo ko ng makitang walang bakanteng upuan sa tabi niya.
Saan uupo si Kuya Arvin? Tss. Hindi manlang naglaan ng upuan para kay Kuya.
"Ang yare sa muka mo?"bulong sa akin ni Misha. Umiling lang ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Kuya Arvin. Huminto siya sa paglalakad at pinagmasdan kami.
"Oh brother! Kakain ka pa pala?"tanong ni Kuya Alvis. Kita kong kumunot ang noo ni Kuya Arvin sa kaniya.
"Wala ka nang upuan , Kuya" sabi naman ni Kuya Azrel. Agad naman silang nagtawanan. Pati nga si Mommy at Daddy ay napahagikgik din.
Seriously? What's happening?
"Come on sons. Wag niyong ganyanin ang Kuya niyo"saway ni Daddy pero nakangiti. Agad lumapad ang ngiti ng mga kapatid ko at nagsimulang iiusog ang mga upuan nila.
"Usog ka ng konti , angel" sabi sa akin ni Kuya Axcel. Anong bang kalokohan to?
Kahit naguguluhan ay sumunod nalang ako. Nang magkaroon na ng space sa tabi ko ay agad na tumayo si Kuya Arcin at may kinuha sa kung saan. Pagbalik niya ay may dala na siyang upuan.
"Yun oh! May natira pa palang upuan Kuya"ngisi ni Kuya Alvis. Agad nilang nilagay sa tabi ko ang upuan. Napailing nalang ako ng maintindihan ang gusto nilang mangyari.
"Come on Arvin , maupo kana" ngiti ni Mommy. Tumingin ako kay Kuya Arvin na nakatingin din pala sa akin. Napailing nalang siya bago naglakad papunta sa tabi ko at umupo.
Mas lalo namang lumawak ang ngiti nila Mommy at ng mga kapatid ko. Napatingin ako kay Misha ng sagiin niya ako.
"Alam mo ba kung anong ginagawa nila?"bulong niya sa akin. Tumango ako.
"Pinagbabati nila kami ni Kuya" sagot ko.
"Do you think it will work?"she asked. I sighed. " I don't know" I whispered back.
But I hope this will work.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Любовные романыBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...