Chapter 40
Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse ni Jer. Nakasandal ang ulo ko sa may salamin at malalim ang iniisip.
Nang sabihin ko kay Jerson kanina na ilayo niya ako ay mabilis niya akong pinasakay sa kotse niya kahit na nagtataka siya.
Nagpapasalamat ako kasi nandito siya sa tabi ko. Alam kong gusto niyang magtanong kung anong nangyari pero mas pinili nalang niyang manahimik at hintayin na kusa akong magsabi.
Hanggang ngayon hindi parin halos mag sink-in sa utak ko ang lahat. Hindi ko matanggap na hindi ako isang Del Carmen.
Hindi ko matanggap na hindi ako totoong anak nina Mommy at Daddy. Na hindi ko totoong kapatid sina Kuya.
Bakit nga ba hindi ko naisip iyon noon? Na posibleng hindi nila ako anak?
Bakit hindi ako nagtaka na ako lang ang babae sa amin? Bakit hindi ko pinag tuonan ng pansin ang hindi pagkakapareho ng muka namin ni Mommy?
Bakit?
Maybe because I trust them.
Dahil may tiwala ako sa kanila. At buong akala ko hindi nila ako pag sisinungalingan. Masyado akong nagtiwala na hindi ko magawang matanggap ang lahat ng to.
Hindi ko kayang tanggapin. Buong buhay ko naniwala ako sa isang kasinungalingan.
Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Bakit kailangang itago nila sa akin ang lahat? Pwede namang sabihin nalang nila na hindi nila ako kadugo. Matatanggap ko naman yon eh. Sana sinabi nalang nila ng mas maaga. Para hindi ako nasasaktan ng ganito.
"Ivy?"muli kong pinahid ang luha ko ng marinig ang boses ni Jer. Alam kong kanina pa siya tingin ng tingin sa akin habang nag da-drive.
Hindi ko siya sinagot kasi pakiramdam ko nawala ang boses ko sa sobrang panghihina. Hindi ko gustong magsalita. Pakiramdam ko kasi pag ginawa ko yon , mabibiyak ako ng tuluyan.
"Ayos lang ba kung sa bahay kita dalhin?"tanong niya. Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
Sana lang walang tao sa bahay nila kasi sobrang kahihiyan iyon kung nagkataon. At isa pa , ako ang may sabi sa kaniya na ilayo ako. Kaya ayos lang kung saan niya ako dalhin. Basta magkaroon ako ng katahimikan.
Ilang oras pa ang biniyahe namin bago huminto ang kotse niya sa tapat ng isang malaking bahay. Lumabas si Jer sa driver seat at pinagbuksan ako.
Tahimik lang akong lumabas ng kotse niya ng hindi siya tinitingnan. Ngayon ko lang na realize na nakakahiya ang ginawa ko.
Oo at kaibigan ko siya pero hindi naman kami ganoon ka-close. Tapos ngayon inaabala ko pa siya.
Ngunit wala na akong mapagpipilian. Sigurado ako na wala akong ibang mapupuntahan. Ayoko namang umuwi sa bahay dahil mas masasaktan lang ako don.
Kung sana nandito lang si Misha.
Sumunod ako kay Jerson ng maglakad siya papasok ng bahay. Inaasahan ko na may sasalubong sa amin pero katahimikan lang ang nadatnan namin sa sala.
Tumigil siya sa paglalakad bago ako hinarap. "Gusto mo na bang matulog?"tanong niya. Tumango naman ako at muling inilibot ang tingin sa paligid.
Nasan ang mga magulang niya?
"My parents are out of town"aniya na mukang nakuha ang dahilan ng pagtingin ko sa paligid. Napatango nalang ako.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Любовные романыBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...