Chapter 29

420 18 0
                                    


Chapter 29

"Nagseselos ako , okay!? Nagseselos ako sa gagong Labrador na yon!"

Natigilan ako sa sigaw niya. Kita ko ang pag taas-baba ng didbdib niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Hindi mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Para akong nawalan ng ulirat at gulat lang na nakatingin sa kaniya. Gustuhin ko mang magsaya dahil sa narinig ko pero hindi ko magawa. Para akong namanhid at hindi makagalaw.

"Nagseselos ako Ivy"mahinang aniya at kita ko kung paano nahirapan ang muka niya ng sabihin niya iyon. Duon ako natauhan at bahagyang napaatras palayo sa kaniya.

"A-ano?"hindi makapaniwalang tanong ko. "B-bakit ka n-naman magseselos?"

Narinig ko siyang natawa sa tanong ko at umiling-iling. "Ganyan kaba talaga kamanhid?"tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko kayang makita ang sakit sa na bumalatay sa  mga mata niya. Sapagkat parang kinukumot din ang puso ko pag nakikita siyang nasasaktan.

Napaatras ako ng magsimula siyang humakbang papalapit sa akin. Agad akong umiling-iling sa kaniya. "Isn't it obvious , Ivy? Hindi ba talaga halata na may gusto ako sayo? Na gusto ko ang nag iisa kong kapatid na babae?"aniya na patuloy sa paglapit sa akin.

Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader ng pasilyo.

Shit! It's a dead end!

Mabilis niyang inilagay ang isang kamay niya sa gilid ko dahilan para makulong ako at hindi makaiwas sa kaniya.

Nilapit niya ang muka niya sa akin dahilan para mahigit ko ang hininga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng malanghap ang mabango niyang hininga.

Mariin lang ang titig niya sa mga mata ko.

"Y-you can't l-like me"utal kong saad sa kaniya habang unti-unting nahihipnotismo sa mga kayumangging mata niya.

I saw him smirked. "Why? Because you're my sister?"he bitterly asked.

Hindi agad ako nakasagot sa kaniya , lalo na ng maramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa bewang ko.

"Well , to tell you this  Ivy. I don't fucking care if you're my sister or not"agad akong umiling sa kaniya.

"No"

"Yes love"aniya. Kumabog ang dibdib ko ng bumaba ang tingin niya sa labi ko.

No! No!

Kahit sa nanghihinang kamay ay tinulak ko siya. Hindi niya iyon inaasahan kaya mabilis akong nakawala sa kaniya.

"Hindi pwede to. Kapatid mo ko! Magkapatid tayo!"pilit ko sa kaniya. Hindi ko kaya ang naririnig ko. Okay lang naman sa akin na ako nalang ang magkagusto sa kaniya. Pero ang marinig ang sinasabi niya? Hindi ko kaya.

Dahil ngayon palang ay nakikita ko na sa isip ko ang kahihinatnan ng lahat ng to.

Ang galit na muka ng mga kapatid ko,  ang dismayado , at  hindi makapaniwalang muka ni Mom and  Dad.

Hindi ko kayang makita ang mga expression na iyon sa mga muka nila. Hindi ko kayang masira ang pamilya ko dahil lang sa nararamdaman namin. 

"I don't care! Even if you're my sister or not I will still like you , Ivy! Wala akong pakialam sa magiging reaksiyon nilang lahat! Dahil matagal ng naubos ang pasensya ko sa pagpipigil ng nararamdaman ko sayo!"aniya. Nanginig ang labi ko dahil don. Mabilis kong naramdaman ang panlalabo ng mga mata ko.

"Pero mali to! Mali ang nararamdaman mo!"sabi ko. Umiling siya sa akin at kita ko ang mga mata niyang punong puno ng emosyon.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "I like you! I like you so much , Ivy!"aniya pero umiling ako. Bakit kailangang maging ganito kahirap ang lahat?

Mabilis kong inalis ang hawak niya sa akin. "No , you can't like me! Alam mo ba kung anong sinasabi mo ha!? Alam mo ba kung anong kahihinatnan ng lahat ng to!?"sigaw ko. Ramdam kong tumulo na ang mga luha ko.

Kita ko ang panlalabo ng mga mata niya. "Ivy wala akong pakialam—"

"Eh paano naman ako!? May pakialam ako sa lahat ng to Arvin! Ni minsan ba inisip mo ang mararamdaman ko!? Ha!? Inisip mo ba kung anong mangyayari sa akin kapag inamin mo na may gusto ka sa kin!? Sa kapatid mo!? Well I bet not. Because you're thinking that I will be happy that you like me! You're thinking that I will not going to freak out because my own brother likes me!"sigaw ko sa kaniya.

Dahil sa totoo lang hindi talaga ako natutuwa. Oo , gusto ko rin siya. At dapat maging masaya ako kasi hindi one sided ang lahat. Pero hindi yon ganon.

Dahil magkapatid kami , kadugo ko siya.

"Ivy"tawag niya sa akin at sinubukang hawakan ako pero tinabig ko ang kamay niya. Kita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

I need to end this. Tama si Misha. Dapat nakinig ako sa kaniya na iwasan nalang siya. Hindi sana nangyari to.

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin. Dahil kapatid lang ang tingin ko sayo. Humanap ka ng ibang babae na susuklian ang nararamdaman mo"matamang ani ko.

"Ivy I can't do that. Ikaw lang ang gusto ko"

"Pero hindi kita gusto! Ayoko sayo! Just date someone else! Baka sakaling makalimutan mo din yan!"pagsisinungaling ko at tinalikuran siya. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi.

Natigil lang ako sa paglalakad ng maramdaman ang pagyakap niya sa likuran ko. Parang sinaksak ng karayom ang puso ko ng maramdaman ang mainit na likido na tumulo sa may balikat ko.

He's crying!

"Ivy please"pagsusumamo niya. Ramdam ko ang pagyugyug ng balikat niya habang nakasubsub ang muka niya sa leeg ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghagulgul.

Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang magkagusto sa isang tao. Akala ko ba masaya ang ganon? Bakit puro sakit lang naman ang natatamo ko?

"L-let me go"nahihirapang saad ko habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya siya akin. Pero hindi niya ako hinahayaan. "Please, just give me a chance"

"I can't. Just find someone else. Huwag mo na akong pahirapan"ani ko.

"I like you so much , Ivy. Please"patuloy ang pag iyak niya sa balikat ko pero umiling ako. Buong lakas kong tinanggal ang kamay niya sa akin. Nang makawala ako ay mabilis ko siyang hinarap.

"But I don't like you. And I will never like you"aniko. Pinigilan ko ang sarili kong punasan ang luhang sunod-sunod na umagos sa mata niya.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko at sabihing gusto ko rin siya.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at alisin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero hindi ko iyon ginawa. Sa halip ay tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kwarto ko.

Ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ng matigilan ako sa sinabi niya.

"I don't care if you don't like me. All I know is that I don't want to loose you and I'll do everything to make you mine. I'll get you by hooked or by crooked"

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon