Chapter 32

407 13 0
                                    

Chapter 32

Nakangiti kong inilagay ang box ng cake sa lamesa namin ni Misha. Kita kong kumunot ang noo niya sa akin.

"Para sa saan to?" takang tanong niya.

"Tinawagan mo na ba siya?"

"Yeah , he's already on his way. What is this?" turo niya sa cake na dala ko.

"Hindi ako makakapunta sa birthday niya bukas , so I'm planning to celebrate it now"masayang aniko.

Agad naman siyang tumango. "Hindi mo naman sinabi agad" aniya. Ilang minuto kaming naghintay roon bago namin nakita ang naglalakad na si Jerson Labrador papalapit sa amin.

"Hey girl ,what's up?"tanong niya at mabilis na umupo sa tabi ko.

"Hi Jer!"bati ko sa kaniya. Nang mapatingin siya sa lamesa ay kumunot ang noo niya ng makita ang box ng cake.

"Ano yan?"taka niyang tanong.

"Duh , couz. Ano sa tingin mo?"irap ni Misha sa kaniya.

"Pero , bukas pa ang birthday ko" aniya bago tumingin sa akin.

"Alam ko. Pero hindi ako makakapunta kaya naisip ko na icelebrate nalang iyon ngayon"nakangiti kong saad at binuksan na ang cake.

"What do you think?" dagdag ko pa. Ngumiti siya sa akin. "Seryoso ba to?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes of course!"aniko at sinindihan na ang kandila.

"Happy birthday , Jerson! Blow the candle na"sabi ko. Mas lalo namang lumaki ang ngiti niya bago umiling-iling at hinipan ang kandila.

Nang mamatay ang kandila ay agad kong iniabot ang regalo ko sa kaniya. "Here"

"What's this?"

"Advance gift ko sayo"

"Can I open it now?"

"Yeah sure" kinagat ko ang labi ko habang binubuksan niya ang paper bag. Kita ko ang paglaki ng mata niya ng makita iyon.

"Wow! This is cool! Thank you Ivy!"aniya at niyakap ako. Medyo natigilan pa ako sa ginawa niya pero nakabawi din agad.

"You're welcome"

Hiniwa namin ang cake bago kumain. Nanonood pa kami ng sine kasi request ni birthday boy.

Inabot kami ng alas kwatro ng hapon sa pagcelebrate ng birthday niya  bago siya nagpaalam sa amin. Ihahatid nga sana niya ako pero hindi ako pumayag. Kasi siguradong mag aalboroto na naman ang mga kapatid ko kapag nakita siya.

Kaya si Misha na lang ang maghahatid sa akin.

"Ivy , nasa parking lot na daw ang driver namin. Halika na" aniya kaya pumunta na kami sa parking lot. Pagkarating namin doon ay agad siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

Kumunot tuloy ang noo ko sa inasta niya.

"Ahh Ivy. Sa labas nalang natin hintayin ang driver namin"aniya.

"Ha? Diba sabi mo nasa parking lot na siya?"tanong ko. Ngumiwi naman siya sa sinabi ko. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita siyang pinagpapawisan.

"Anong nangyari sayo?"

"H-ha? W-wala. S-sa iba nalang tayo maghintay"utal niyang saad. Napameywang na tuloy ako sa kaniya.

"May tinatago ka ba?"tanong ko at sumilip sa parking lot pero agad niya akong hinawakan at pinatalikod.

"Ha!? Wala wala"aniya pero agad akong humarap sa kaniya at ngumisi.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon