Chapter 20
"Are you ready?"agad akong umiling kay Misha na sinasayaw ang gown na susuotin ko ngayong gabi. Nasa loob kami ng kwarto ko habang inaayusan ako ng make up artist na kinuha ni Mommy.
Nakasuot na siya ng gown niya pero para siyang tangang isinasayaw ang gown ko na nasa manikin.
"Bakit naman? This is your day" aniya bago humarap sa akin.
"Kinakabahan kaya ako" sabi ko. Tumawa siya sa akin. "Okay lang yan" aniya at muling sinayaw ang gown ko.
"Nagpapractice ka ba?" Tumingin siya sa akin. "Ng ano?"
"Ng sayaw. Bakit , may balak kang isayaw si Kuya Azrel no?"asar ko sa kaniya. Tumigil siya sa ginagawa at nakangiwi akong tiningnan.
"Excuse me? That's gross! Hindi kaya! Baka nga siya pa ang mag aya sakin eh" aniya at inirapan ko. Mas lalo naman akong ngumisi.
"Defensive ah" aniko. Bumaling ulit siya sa akin at namewang. "I'm not okay?"
"We? Eh pag inaya ka ni kuya? Papayag ka?"
"Hmm? Depende"
"Depende?"
"Depende kung luluhod siya sa harapan ko at mag mamakaawa na isayaw ako" aniya at tumawa na parang isang mangkukulam. Napangiwi tuloy ako.
"Ang harsh ah?"komento ko.
"Pikit ka po miss" sabi ng nag aayos sa akin. Sinunod ko naman ang gusto niya habang patuloy na nakikipag asaran kay Misha.
"Of course! Ako yata ang karma ng gago mong kapatid" natawa ako sa sinabi niya.
"Kawawa naman pala si Kuya" ani ko. Naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin at umupo sa katabi kong silya.
"Tama lang yon sa kaniya. Malandi kasi" aniya. "I like your necklace" napahawak ako sa kwintas na suot ko sa sinabi niya at napangiti.
"Lawak ng ngiti ah? Abot hanggang mindanao te. Sinong nagbigay niyan?"
"Guess who"
"Daya neto. Parang hindi kaibigan eh. Hmmp!"
"Si Kuya Arvin" sabi ko at nagmulat ng matapos ang babae sa pag aayos sa akin.
Tumingin ako kay Misha na nanlalaki ang mata. "For real!?"
I nod. "Yup!"
"Wow , akalain mong sa ilang taon niyang pag snob sa birthday mo. Nerigaluhan ka?" aniya.
"Hindi nga rin ako makapaniwala eh" sabi ko at medyo natigilan ng maalala ang nangyari kaninang umaga.
Kung paano lumapat ang labi ni Arvin sa leeg ko at kung paano niya binigyan ng maliliit na halik ang balikat ko. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa muka.
"Ang yare sayo? Bat ka namumula?" Tanong ni Misha na mas lalong nagpapula sa akin.
"W-wala" aniko at iniwas ang tingin sa kaniya.
Why I am blushing!? Natutuwa ba ako sa ginawa ni Arvin.....
I stopped.
No! Ivy! It's Kuya Arvin! Call him Kuya! Shit! This is bad.
"Okay kalang? Kanina namumula ka ngayon naman namumutla kana" komento ni Misha na kunot na ang noo sa akin.
"H-huh?"
"Anong huh?"
Umiling ako at napahinga nalang ng malalim. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomansaBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...