Chapter 9

538 22 0
                                    

Chapter 9

Napapailing nalang ako kay Misha sa tuwing umiikot ang mata niya sa sobrang pagkairita dahil sa mga kapatid ko. Kanina pa kasi siya nginingisihan at iniinis ni Kuya Azrel habang nakakalong sa kaniya ang babae niya.

"Napakalandi" rinig kong inis na wika ng katabi ko. "Makarma ka sana at makabuntis" dugtong pa niya bago ako hinila paalis don.

Lumipat kami sa kaliwang bahagi ng yate at nagpahangin. May hawak siyang baso ng orange juice at ganon din ako.

"Malayo ba iyong Isla?"maya maya ay tanong niya. Umiling ako. "Sabi ni Daddy mga dalawang oras daw ang biyahe"

"Dalawang oras? So two hours pa akong magtitiis sa pagmumuka ng unggoy mong kapatid?"natawa ako sa kaniya.

"Binabash mo kapatid ko"biro ko. Inirapan naman niya ako.

"As if I care" aniya. "Actually , I want to throw your asshole brother in this sea"dugtong pa niya.

"Grabe ah? Inis na inis? Sige ka , baka mainlove ka kay Kuya" aniko. Natawa ako ng maibuga niya ang juice na iniinom niya.

"Ivy!!"

Ilang beses siyang umubo-ubo habang tumatawa naman ako.

"Oh gosh , kadiri ka Ivy!! I will not going to fall for that asshole brother of yours. Thinking of it makes me want to vomit! Yuck! It's gross! No fucking way! Over my dead gorgeous and sexy body!" she exclaimed while shooking his head.

I just laughed at her reaction. It's epic!

"Really? How are you so sure?"

"Yes! I'm sure! Kung may mahuhulog man sa aming dalawa sisiguraduhin kong hindi ako yon!"

Patuloy sa pag iling sa akin si Misha. Hanggang sa nag paalam muna ako na kukunin ko yung jacket ko sa bag ko kasi bigla akong nilamig.

"Dad , nasan yong mga gamit natin?"tanong ko kay Daddy na nakaupo sa sofa habang katabi si Mommy.

"In the cabin , honey" aniya kaya tumango nalang ako. Inilibot ko ang tingin sa buong yate at nakitang wala roon si Kuya Arvin pero nandito yong babaeng kasama niya.

Her name is Ava , pinakilala siya ni Kuya kanina. Pero hindi naman niya sinabi kung ano niya ang babaeng yon.

Naglakad ako papunta sa cabin at nang makarating doon ay agad kong binuksan ang pinto. Ganon nalang ang pagkakatigil ko ng makita si Kuya Arvin sa loob na walang damit pang itaas.

Nagtama ang tingin namin at nahugot ko ang aking hininga ng maglakbay ang paningin ko sa hubad niyang katawan. Mukang nagpapalit siya ng damit nung pumasok ako.

Pareho kaming naistatwa sa kinatatayuan habang nakatingin sa isat isa.

Napalunok ako ng makita ang mga naghihimutok niyang mga muscle sa dibdib , sa mga braso niya , hanggang sa walong pandesal niya sa katawan.

Agad nag init ang pisngi ko sa kaalamang nakikita ko ang hubad niyang katawan.

Oh gosh! What is happening to me!? Nakikita ko namang walang damit sina Kuya Arcin minsan pero hindi naman ganito ang reaction ko.

Pakiramdam ko para akong nag cocomit ng kasalanan habang nakatingin sa katawan niya.

Goodness gracious! Umayos ka nga Ivy! Wag mong sabihing pinagnanasaan mo ang katawan na yan! Jusko! Kapatid mo yan! Magkapatid kayo!

"Enjoying the view?"natauhan ako ng magsalita si Kuya. Agad akong tumalikod sa kaniya habang nag iinit ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko din ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

"N-nakabihis k-ka na ba?"utal kong tanong.

"Hmm" rinig kong ani Kuya kaya dahan dahan akong humarap sa kaniya. Agad na sumalubong sa akin ang seryoso niyang muka habang pinagmamasdan ako. Nakaupo siya sa kama habang nakatukod ang magkabilang kamay.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Ano ba naman to? Bakit ako naiilang? Dapat hindi ko to nararamdaman.

Tumikhim ako bago iniwas ang tingin sa kaniya. Naglakad ako patungo sa bag ko at binuksan iyon para kuhanin ang jacket ko. Nang makuha ko iyon ay binalik ko ang tingin kay Kuya na nakahiga na ngayon sa kama. Nakapikit ang mga mata niya at halata ang pagod sa muka niya.

Agad akong nakaramdam ng awa sa kaniya lalo na ng makita ko ang mga itim na bilog sa ilalim ng mata niya.

Natutulog pa kaya siya? Sabi kasi ni Daddy non , hindi biro ang pagiging isang doctor. Laging kalaban ang kawalan ng tulog.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at tinitigan ang muka niya. Duon ko lang napansin na mayroong tumutubo na maliit na balahibo sa may baba niya. Napanguso ako.

Dati hindi ko nakikitaan ng bigote si Kuya kasi lagi siyang nag shashave. Pero ngayon mukang madalang na niyang nagagawa iyon.

"Staring is rude , Ivy" nanlaki ang mata ko ng bigla siyang magsalita. Mabilis akong lumayo sa kaniya ng magmulat.

I thought he's asleep!?

Bumangon siya sa kama at tumingin sa akin. "H-hindi kita tinitigan" aniko.

"Uh-huh?"

"Hindi talaga! Chine-check ko lang kung tulog kaba talaga"sabi ko.

"Isipin mo na naniwala ako" napasimangot ako sa sinabi niya.

"Bahala kana nga" sabi ko nalang at iniwan siya ron. Pagkalabas ko sa cabin ay agad kong sinuot ang jacket ko at bumalik sa pwesto namin ni Misha kanina. Pero hindi na ako natuloy kasi nakita ko silang nag uusap ni Kuya Azrel or sabihin na natin na mukang nagtatalo sila.

Nasan na kaya yung babae ni Kuya?

Inilibot ko ang tingin ko bago lumanding sa linta na masama ang tingin kay Misha. Napaismid ako.

Tusukin ko mata mo eh! Tingnan ko kung matingnan mo pa ng masama ang best friend ko. Hmp!

Pumunta nalang ako sa pwesto nina Mommy na busy sa pag uusap.

"Hey honey. Buti at lumapit ka may pag uusapan tayo" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Umupo ako sa bakanteng upuan. "About what po?"

"About  your debut's theme. Ano bang gusto mo? Nakontak ko na kasi yung
favorite kong event disigner ko" ani Mommy.

Debut's theme?

"May naisip kana ba?"tanong naman ni Daddy.

"Hmm wala pa po eh. Mas gusto ko sana yung simple lang pero may dating"

"Ganon ba? What do you think ,love?"

"Simple pero may dating? Sige sasabihin ko yan kay Kurt. Wala ka na bang gustong idagdag?"

"Wala na po. Siya nga pala Mommy? Paano yung mga gown ko?" I asked.

"Don't worry about it. My designer will be at the island after two days. Duon ka susukatan at ang mga kapatid mo. Sa island din gaganapin ang pictorial at iba pa" excited na sabi ni Mommy. Tumango nalang ako.

"By the way , may napili ka na bang escort mo?"tanong niya. Umiling ako.

"What? Why?"

"Mom , kilala niyo naman sina Kuya. Siguradong hindi papayag ang mga yon na ibang lalaki ang escort ko"

"Eh? Don't mind your brothers. Just choose the man you want to be your escort. Pangit pag walang escort ang prinsesa namin" sabi ni Mommy.

"Your Mom is right. You should choose your escort" sang ayon naman ni Mommy.

"Pwede po bang kayo nalang ang pumili?"

"Are you sure?"tumango ako kay Mommy. Agad siyang napangiti. "Okay , akong bahala sa escort mo" ani Mommy.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon