Chapter 24

480 15 0
                                    

Chapter 24

Kinaumagahan pagkatapos ng birthday ko ay tulong tulong kami na  linisin ang buong bahay. Ang sabi ni Mommy sa amin ay uuwi na kami bukas.

Kaya naman wala kaming ibang ginawa buong araw kung di ang linisin ang lahat ng mga kalat. Lumapit ako sa may sala at tiningnan ang sangkatutak kong mga regalo. Hindi pa kasama don ang regalo nina Kuya Axcel.

Sabi kasi nila sa akin ay pagdating nalang namin sa lungsod nila ibibigay ang mga regalo.

Muli kong pinagmasdan ang mga regalo sa harapan ko at bumuntong hininga.

Paano ko madadala ang lahat ng to? Kakasya ba to sa yate?

Nang araw nading iyon ay nag impake na kami ng gamit. Aalis kami ng maaga bukas dahil pagbalik namin sa Elrienda ay magsisimula ng humabol sa mga trabaho si Daddy sa opisina.

Dalawang buwan din kasi siyang naka leave dahil sa birthday ko. Ganon rin ang mga kapatid ko lalo na si Kuya Arvin. Siguradong pagbalik namin ay magiging busy na silang lahat.

"Okay na ba lahat? Wala na ba kayong naiwan?"tanong ni Daddy. Umiling naman kami. Nagsimula ang biyahe sa yate ng dalawang oras.

Wala akong ibang ginawa kung di ang tumunganga sa dagat at mag isip ng solusyon sa problema ko.

Dapat ko bang iwasan si Kuya Arvin para hindi na lumala pa ang nararamdaman ko sa kaniya?

Pero , ngayon nalang ulit kami nagkaayos. Sobrang tagal ko itong hinintay tapos iiwasan ko lang siya?

I sighed for the 20th time.

What should I do?

Nang makarating na kami sa Elrienda ay inihatid muna namin si Misha sa bahay nila bago kami bumyahe pauwi sa bahay namin.

Nang makarating kami doon ay pagod akong umupo sa sofa at pumikit. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Princess , may ibibigay kami sayo"nagmulat ako ng mata upang makita ang muka ng apat kong kapatid na nakangisi sa akin.

"What?"I asked them. Inilahad sa akin ni Kuya Azrel ang isang susi. Kumunot ang noo ko. Wag mong sabihing kotse ang regalo nila sakin?

Kinuha ko ang susi sa kamay niya. "Anong gagawin ko rito?"tanong ko. Ngumiti lang sila sa akin bago ako sinenyasang sumunod sa kanila.

Kahit na naguguluhan ay sumunod ako. Nang  makarating kami sa isang pintuan ay tumigil kami sa paglalakad.

"Open it"ngiti ni Kuya Alvis.

Binuksan ko ang pinto sa harap ko gamit ang susing binigay nila sa akin. Dahan dahan kong tinulak at pinto bago pumasok.

Natigilan ako at napahawak sa labi ko ng makita ko kung ano ang nasa loob. Hindi ako makapaniwalang tumingin kina Kuya Axcel na nakangiti lang.

"Pina rush namin yan ng two months"ani Kuya Arcin.

"Ako ang nag design niyan , little baby"sabi naman ni Kuya Azrel.

"Nagustuhan mo ba?"asked Kuya Axcel.

"Ang ganda no?"Kuya Alvis. Muli akong tumingin sa harapan ko kung saan may hindi mabilang na libro ang nakalagay sa mga shelves na nakapalibot sa buong pader.

Meron ding table na may dalawang computer. Tapos merong study table sa kaliwang side. May sofa set sa harapan ng study table at may maliit ding kama.

At may malaking salaming bintana sa gitna. Shit! This is so perfect!!

Mabilis akong lumapit sa study table at umupo sa swivel chair.

"Nahirapan din kaming bilhin lahat ng klase ng libro na gusto mo"ngiti ni Kuya Axcel.

"Kompleto ba lahat?"I asked.

"Of course! Kami pa ba?"

"So , do you like it angel?"tanong ni Kuya Axcel. Nakangiti akong tumingin sa kanila at yumakap.

"I like it so much mga Kuya! This is so cool! Thank you!"halos maiyak ako sa harapan nila.

"You're always welcome our only sister"they said.

"But I thought , Dad will be the one to make my this library?"takang tanong ko sa kanila.

"Yeah that was the plan. Pero naisip namin na masyado ng maraming ginagawa si Dad at hindi na niya ito maasikaso"Kuya Azrel.

"Kaya nagdesisyon kami na kami nalang ang gagawa"Kuya Alvis.

"Regalo na namin sa birthday mo"Kuya Arcin.

"And we are so glad that you like it"said Kuya Axcel.

Muli ko silang niyakap at nagpasalamat.

They are the best brothers for me. I love them all.

Days passed and my brothers happened to be so busy. Ni hindi ko na nga sila halos makita sa bahay dahil busy sila sa school.

Ilang araw nalang din ay magsisimula na ang klase namin. This is my last year of being a high school student.

"Ang tamlay mo. May sakit ka ba?"tanong sa akin ni Misha.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop habang nag papalipas ng oras.

"Wala , namimiss ko lang mga kapatid ko" sabi ko.

"Busy sila sa college life nila diba? Akalain mo nga namang marunong palang mag aral ang mga yon?"mataray na sabi niya.

"Syempre naman. Takot lang nila kay Daddy"sabi ko.

"By the way , enrollment na sa isang araw ah. Nakapag enrol kana?"tanong niya. Tumango ako.

"Ikaw?"

"Yup! Nag aantay nalang ako ng pasukan" aniya. Ilang sandali pa kaming nag palipas ng oras  sa coffee shop bago kami umalis doon.

"San tayo ngayon?"tanong ni Misha sa akin. Ngumuso ako. "Ewan" sagot ko.

"Arcade nalang tayo!"aniya at mabilis akong hinila.

Naglaro lang kami ng naglaro ni Misha hanggang sa mapagod. Nang dumating ang alas kwatro ng hapon ay umuwi na din kami.

Pagkarating ko sa bahay ay wala akong nadatnang anino ng mga kapatid ko. Wala rin si Mommy kasi may tinatrabaho din siya.

Pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal doon.

Haisst. Ang boring naman.

"Tired?"napamulat ako ng makarinig ng boses. Tumingin ako sa tabi ko at ilang beses napakurap kurap ng makita si Kuya Arvin.

Nakasandal din siya sa sofa at nakapikit.

Bat siya nandito? Hindi naman ako namamalikmata diba?

Inangat ko ang kamay ko at ilang beses na tinusok-tusok ang pisngi niya para alamin kung totoo nga siya. Natigil lang iyon ng hawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin.

"What are you doing?"tanong niya. Nanlaki ang mata ko. He's real!

"Kuya Arvin"hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Ilang araw ko na siyang  hindi nakikita dahil busy siya sa ospital.

"You sounded like you saw a ghost" aniya. Umiwas ako ng tingin.

"Bat ka nandito? Wala ka bang duty?"tanong ko.

"It's my free day"

"Buti umuwi ka?"tanong ko. Tumingin siya sa akin bago ngumiti.

"Oo naman , miss na kita eh"

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon