Chapter 30
Buong gabi lang akong umiyak sa loob ng kwarto ko matapos ang mga pag uusap namin ni Arvin. Kaya ng dumating ang sunod na araw ay hindi na ako nagulat ng makita ang malaking itim na bilog sa mga mata ko.
Namamaga ang mga iyon dahil sa pag iyak.
Kahit na tinatamad ay pinilit kong bumangon at nag ayos ng sarili. Hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto ng ganito ang itsura ko. Lalo na at araw ng linggo ngayon.
Meaning—family day namin at siguradong magkakagulo ang mga kapatid ko pag nakita nila ang malaking eyebags ko sa mata.
Nagsimula akong maligo, pagkatapos ay naglagay ng concealer sa mata para takpan ang mga itim doon. Nang matapos ako ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.
Pinilit kong lagyan ng ngiti ang muka ko kaya ang kinalabasan ay para akong natatae na ewan. Gustuhin ko mang manatili nalang sa kwarto para hindi makita si Arvin pero hindi ko magawa.
Miss na miss ko na kasi sina Kuya at Mommy kaya isasantabi ko na muna ang nararamdaman ko.
Nakarating ako sa may dining at agad kong nakita ang mga nakangiting muka nina Kuya at Mommy.
"Here goes our princess"bati sa akin ni Kuya Arcin. Ngumuso ako. Siya talaga lagi ang nauunang bumati sa akin.
"Good morning angel. Long time no see"ngumiti ako sa sinabi ni Kuya Axcel.
"Morning our little baby"ngiti ni Kuya Azrel.
"Good morning baby girl ko. Come here , let's eat" ani Kuya Alvis.
"Good morning too mga Kuya . Na miss ko kayo"bati ko at umupo sa gilid ni Mommy. "Morning Mom , Dad"bati ko sa kanila.
"We miss you honey"ani Mommy.
"I miss you all too"
Ngumiti ako sa kanila bago nagsimulang kumain. Tahimik lang ako habang ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Arvin sa akin.
"So how's school , Arvin?"simula ni Dad.
Bahagyang tumigil sa pagkain si Arvin bago sumagot. "Tiring as usual"tipid niyang sagot.
"Any girlfriend?"tanong ulit ni Dad. Napatigil ako sa pagkain at hindi maiwasang tumingin kay Arvin para hintayin ang sagot niya. Sakto namang pag angat ko ng tingin sa kaniya ay yun din ang pagtama ng tingin niya sa akin.
"Dad , tanong ba yan? Syempre madami si kuyang girlfriend"ngisi ni Kuya Alvis.
"Oo nga Dad. Normal na sa aming lima ang madaming babae—I mean girl friends"sang ayon naman ni Kuya Azrel. Napailing nalang sa kanila sina Mommy at Daddy.
"Kailan ba kayo mag babago ha? Aba! Gusto ko naring magka apo" pinigilan ko ang pagtawa ng sabay-sabay nabulunan ang mga kapatid ko sa sinabi ni Mommy.
"Mom naman!"kumuha ng tubig si Kuya Azrel at mabilis iyong inubos. Panay ang ubo nila habang pinag taasan lang sila ng kilay ni Mommy.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Wala pa ba kayong nabubuntis?" dagdag pa niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghalakhak ng mas lalong inubo ang mga kapatid ko.
"Mommy naman! Bata kami , wag kang magmadali"reklamo ni Kuya Alvis.
Umiling lang si Mommy sa kanila bago bumaling sa akin. "How are you honey?"tanong niya. Tumikhim ako sandali bago ngumiti sa kaniya.
"I'm good Mom. Medyo kinakabahan lang sa pasukan"sabi ko.
"Oh yeah right. Pasukan na nga pala sa sunod na linggo"sang ayon niya.
Natapos ang breakfast na iyon ng puro kamustahan at tawanan lang ang maririnig sa dining.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...