Chapter 39Patuloy ang pagtakbo ko habang umiiyak. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ako mapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Hindi ko kayang tanggapin.
"Ivy!"natigil ako sa pagtakbo ng may humawak sa braso ko. Agad akong tumingin kay Arvin at inalis ang kamay niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"seryoso kong tanong at inilibot ang tingin sa paligid. Nasa garden kami ng ospital at walang tao dahil gabi na. Tanging ang mga ilaw nalang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Hindi siya sumagot sa akin at sinubukang hawakan ulit ako pero tinabig ko ang kamay niya.
"Don't touch me , you liar!"sigaw ko sa kaniya at muling tumulo ang luha ko.
"Ivy please. Let me explain"aniya pero umiling ako.
"Sinungaling kayong lahat! Sinungaling kayo!"sigaw ko. "Kaya ba wala kang pag aalinlangan ng umamin ka sa akin!? Kasi alam mong hindi talaga kita kapatid! Kasi alam mong hindi kita kadugo! Nakapa selfish mo!"dugtong ko pa at sinimulang paghahampasin ang dibdib niya.
Hinayaan naman niya akong hampasin siya bago ako niyakap ng mahigpit. Mabilis akong nagwala sa bisig niya.
"Let me go! Bitawan mo ko Arvin! Ano ba!?"buong lakas ko siyang tinulak. Napabitiw naman siya sa akin kaya ginamit ko iyong pagkakataon para umatras palayo sa kaniya.
Kita kong nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
My mind was clouded with anger , hatred and betrayal. All I want to do is to curse them all for lying to me.
"Ivy"tawag niya sa pangalan ko pero umiling ako.
"Why didn't you tell me the truth?"tanong ko sa kaniya. Humakbang siya papalapit sa akin pero umatras ako.
"Ivy"nahihirapan niyang tawag sa pangalan ko. Sinubukan niya ulit akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya.
"Don't touch me!"
"Ivy , please. Pwede naman natin tong pag usapan ng maayos"aniya pero umiling ako.
"I want to break up with you"matamang sabi ko sa kaniya. Kita kong nanlaki ang mata niya bago tinawid ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Umiling siya sa akin ng paulit ulit.
"No no Ivy. You can't do that. Alam kong galit ka pero hindi naman tama na idamay mo ang relasyon natin"aniya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Pero ayoko sa taong sinungaling"saad ko.
"Ivy , hindi ako papayag" aniya.
"Wala akong pakialam kung pumayag ka man o hindi"
"No Ivy—"
"Maghiwalay na tayo"
"Please don't do this"pagmamakaawa niya sa akin at niyakap na ako. "Wag ganito Ivy. Ipapaliwanag naman namin sayo ang lahat eh"aniya. Pilit akong kumawala sa yakap niya.
"Arvin"tawag ko siya kaniya at tinulak na siya. Pero hindi siya nagpatinag at hinawakan ang pisngi ko para siilin ng halik ang mga labi ko.
Agad nanlaki ang mata ko sa ginawa at sinubukang itulak siya pero hindi siya nagpatinag.
"You can't break up with me"bulong niya sa akin habang patuloy akong hinahalikan. Mariin ko siyang tinulak pero hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...