Chapter 27"Okay ka na?"alalang tanong niya sa akin pagkatapos ng ilang minuto kong pag iyak. Dahan-dahan namang akong tumango sa kaniya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "You should stay away from him"she seriously said. Pakiramdam ko ay may kung anong sumaksak sa puso ko sa kaalaman na lalayuan ko siya.
Umiling ako. "Hindi ko kaya. Binalak ko nayong gawin pero walang epekto"sabi ko. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang umiling sa akin.
"Pero yun ang tamang gawin Ivy. Dahil kahit saan mo tingnan , mali ang nararamdaman mong yan. Sa tingin mo anong mangyayari kapag pinagpatuloy mo yan?"tanong niya. Mas lalo tuloy akong nanghina. Alam ko ang mangyayari. Magkakagulo kami. Masisira ang pamilya ko.
Magkakaroon kami ng eskandalo. At hindi ko kayang mangyari iyon sa pamilya ko. Pero anong gagawin ko? Tatanggalin ang puso ko para matigil na ang lahat ng to?
"Misha , anong gagawin ko?"
"Avoid him. Try dating someone else. Baka sakaling hindi naman ganon kalalim yang nararamdaman mo kay Arvin o baka naguguluhan ka lang. This is your first time right? Baka mali kalang ng interpretasyon?"kumbinsi niya sa akin.
"Pero paano mo ipapaliwanag ang pagbilis ng tibok ng puso ko pag nandiyan siya? Paano yung munting kirot na nararamdaman ko pag iniisip ko na hindi kami pwede kasi magkapatid kami? Paano yung pamumula ng muka ko pag malapit siya? Ipaliwanag mo sakin Misha"
"Baka naman kasi naninibago kalang na bati na kayo kaya siguro bumibilis ang tibok ng puso mo kasi kinakabahan kalang?"hindi siguradong sagot niya. Napapikit nalang ako.
"Ni hindi ka nga sigurado sa sagot mo eh"mahinang usal ko.
"Sigurado man o hindi kailangan mo parin siyang iwasan. Hindi kayo pwede okay?"
"Alam ko. Hindi mo naman kailangang paulit-ulitin eh. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba? At isa pa wala namang kasiguraduhan na may gusto rin siya sa akin"kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Anong wala? Hinalikan ka na nga diba? Ano pang hindi malinaw don?"
irita niyang sagot. Napanguso nalang ako."Eh paano yung dinner namin mamaya?"tanong ko. Mabilis siyang namewang sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay.
"Aba eh ano pa!? Ditch him! Sabihin mo ayaw mong lumabas kasama siya! Ganon ka simple!"
"Hindi yon simple"
"Ivy ,kailangan mo yong gawin kung ayaw mong mas lumala pa to"seryosong aniya.
Pero hindi ako nakinig o tama bang sabihin ko na hindi sumang ayon ang puso ko sa isip ko. Nang dumating kasi ang hapon ay parang kasing bilis ng kidlat na nakalimutan ko ang mga pag uusap at paalala sa akin ni Misha.
Ewan ko ba. Hindi ko alam kung talagang matigas lang ang ulo ko pero hindi ko talaga nakontrol ang hindi maexcite at maghanda ng sumapit ang alas kwatro ng hapon.
Bihis na bihis na ako habang palakad lakad sa loob ng kwarto at hinihintay ang pagdating ng sasakyan ni Arvin. Well , pakiramdam ko hindi ko na siya gustong tawaging Kuya simula ng tanggapin ko na may gusto na ako sa kaniya.
Para kasing sobrang laking kasalanan ng salitang iyon at magpapaalala lang sa akin kung gaano kamali ang ginagawa ko.
Pero anong magagawa ko? Ngayon ko lang to naramdaman at hindi ko kayang basta na lang iyon bitawan.
Nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan ay halos kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto. Muntik pa nga akong mahulog sa hagdan dahil sa kakamadali. Buti nalang at nakakapit agad ako.
Nang makarating ako sa sala ay huminga muna ako ng malalim bago hinintay siyang pumasok. Nang makita ko siya sa bukana ng pintuan ay agad akong lumapit ng nakangiti.
"Hi!"bati ko. Kita kong naglakbay ang tingin niya sa suot kong damit na nagpapula sa pisngi ko.
Ano ba Ivy!? Wag kang mag blush sa harapan niya! Baka makahalata!
Iniwas ko ang tingin ko at tumikhim. Tumingin siya sa akin bago lumapit. "Bihis na bihis ah?"nakangisi niyang saad. Napasimangot naman ako.
"Pwede naman akong magbihis nalang ulit ng pambahay at magpaluto sa mga maids para dito kumain"inis kong sabi sa kaniya. Narinig ko siyang tumawa bago hinawakan ang bewang ko at niyakap ako.
Gaya ng lagi kong nararamdaman ay mabilis na nanigas ang buo kong katawan sa ginawa niya.
"Nagbibiro lang ako"aniya at isiniksik ang muka sa leeg ko. Nanlaki naman ang mata ko at halos hindi na ako huminga—no mukang nakalimutan ko na nga yatang huminga eh.
"A-Arvin"tawag ko sa pangalan niya at hinawakan ang braso niya para ilayo sa akin. Ramdam kong natigilan siya bago ako hinarap.
"What did you call me?"tanong niya. Agad nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung anong ginawa ko.
Tanga mo talaga Ivy!!
"H-ha?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya pero sumunod siya sa akin ng may ngiti sa muka.
"Anong tinawag mo sakin?"
Umiling ako. "W-wala naman akong sinabi"patay malisya kong saad.
"No. May narinig ako , Aiveira. You call me by my name. Without that fucking word 'kuya'"abot tengang ngiti niya. Hinawakan niyang muli ang bewang ko at hinapit ako papalapit sa kaniya.
"Damn love. You made so happy"aniya at hinila na ako palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot sa driver seat. Ikinabit ko ang seat belt ko bago inilibot ang tingin sa loob ng sasakyan niya.
Ito ang pangalawang beses na nakasakay ako sa kotse niya. At masaya ako na hindi gaya nung una ay hindi ako kinakausap ni Arvin. Samantalang ngayon ay abot hanggang langit ang ngiti niya habang nag da-drive. Nagmumuka na nga siyang baliw kakangiti niya eh.
"So , where do you want to eat?" He asked.
"Hmmmm...How about Italian restaurant?"tanong ko. Tumango naman siya.
"Sounds good"aniya. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan habang masayang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan niya sa isang Italian restaurant.
Kinalas ko ang seat belt ko bago ako pagbuksan ng pintuan ni Arvin. Ngumiti ako sa kaniya bago nagpasalamat. Nang pumasok kami sa restaurant ay wala sa ganda ng lugar ang atensiyon ko kung di sa kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.
Kung makahawak siya sa akin akala mo naman may aagaw sa akin mula sa kaniya.
Nang makahanap kami ng upuan ay nagsimula na kaming um-order. Gutom narin kasi ako. Nakalimutan ko kasing mag lunch kanina dahil sa sobrang excitement.
Nang maka order kami ay inilibot ko ang tingin sa paligid kahit hindi ko naman gusto. Bakit? Kasi iniiwasan ko ang matiim na titig sa akin ng kaharap ko.
Bakit kasi kailangan niya akong titigan? Hindi niya ba alam na naiilang ako?
"Ivy?"napalingon kami sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Agad na nanlaki ang mata ko ng makilala iyon at ang babaeng masama ang tingin sa akin.
"J-Jerson , M-Misha"pilit akong ngumiti sa kanila. Napakagat ako sa labi ko ng dumako ang tingin ni Misha kay Arvin bago ako sinamaan ng tingin.
Naku lagot!
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomansaBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...