Chapter 53
Nagising ako sa liwanag na tumama sa muka ko. Ihinarang ko ang kamay ko sa mata ko dahil sa silaw. Sino bang nagbukas ng bintana?
"Aray"daing ko sa sakit ng gumalaw. Sinubukan kong bumangon pero tanging sakit lang ng katawan ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko na nababalot ng puting kumot. Sinilip ko iyon at nanlaki ang mata ko ng makitang wala akong saplot maski isa.
Sisigaw na nga sana ako kung hindi ko pa naalala ang nangyari kagabi. Agad na uminit ang pisngi ko. Ang walang hiyang lalaking iyon!
Kasalanan niya kung bakit masakit ang katawan ko. Ni hindi naman kasi ako na inform na sobrang wild pala sa kama ng gagong yon. Halos malamog ako sa ginawa niya. Hindi siya makontento sa iisang posisyon lang! Para siyang halimaw kagabi. Hindi ako tinigilan hanggang hindi nag aalas-kwatro ng madaling araw.
Tapos may pa 'I'll be gentle' pa siyang nalalaman eh hindi nga ako makagalaw ngayon ng hindi dumadaing sa sakit. Hindi na siya naawa sa katawan ko. Bwusit siya!
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Muling uminit ang pisngi ko ng makita ang magulong lamesa ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Mas uminit pa ang pisngi ko ng makita ang ebidensiya ng nangyari kagabi sa puting kumot ko na may kaunting dugo.
I'm not a virgin anymore. Kinuha na ni Arvin. And speaking of him—
Lumingon ako sa tabi ko para makita siya. Ganon nalang ang pag laglag ng balikat ko ng makita ang walang lamang kama.
Umalis naba siya? Pagkatapos ng nangyari kagabi ganon nalang? Iiwan nalang niya ako?
Akala ko ba mahal niya parin ako? Bakit—
"You're awake"naputol ang iniisip ko ng bumukas ang pintuan at iluwa nuon ang napaka-gwapong nilalang na lumamog sa akin kagabi. Nakangiti ito sa akin habang may dalang tray ng pagkain.
Lihim akong napangiti. Breakfast in bed huh? Akala ko pa naman umalis na siya.
Naglakad siya palapit sa akin at inilagay ang dala sa side table.
"How's your sleep?"tanong niya. Nawala ang ngiti ko at sumimangot sa harapan niya.
"Tanong ba yan?"aniko. Alas kwatro na niya ako tinigilan pero tinatanong niya ako kung maayos ba ang tulog ko. Malamang puyat ako. At kung hind dahil sa sikat ng araw na tumama sa muka ko ay baka mamaya pa akong hapon magising.
Ngumiti siya sa akin. "Does it hurt?"may pag aalala niyang tanong. Mabilis umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa aking pisngi. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Samantalang narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako sa gilid.
"We have a lot to talk about"bulong niya. Napa buntong hininga nalang ako. Talagang marami kaming pag uusapan. Hinanda ko narin naman ang sarili ko kagabi sa mangyayaring pag uusap ngayon.
"Can I eat first?"tanong ko. Kumalas siya ng yakap sa akin. Bumaling siya sa may lamesa at kinuha ang tray ng pagkain upang ilagay sa tabi ko.
"Kumain kana?"tanong ko ng panuorin lang niya ako. Tumango naman siya. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna siya ng kwarto upang ibalik sa kusina ang mga pinag kainan ko.
Samantalang pinilit ko namang makarating sa banyo para maligo. Kahit masakit ang gitna ko ay tiniis ko nalang. Siguro naman mawawala rin yon.
Nakasuot lang ako ng bathrobe ng lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin ang likod ni Arvin na inaayos ang magulong lamesa. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...