Chapter 15
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay ni Mommy na kumakatok sa pinto ko. Napatingin ako sa katabi kong si Misha na mukang masarap ang tulog.
"Ivy honey? Are you awake?"rinig kong ani Mommy sa labas. Bumangon ako sa kama bago lumapit sa may pintuan at binuksan iyon.
"Good morning honey!" Bati niya.
I smiled at her. "Good morning" I greeted back.
"Can you take a bath now? The designer will be here after a few hours" sabi ni Mommy.
"Po?"
"Yes. Tinawagan ko sila kahapon at sinabihan na sukatan kana nila. Kaya dadating sila ngayon" ngiti ni Mommy. Tumango naman ako
"Okay po"
"Sige , hintayin nalang kita sa baba okay?"
"Yes Mommy"
Pag alis ni Mommy ay bumaling ako sa kama kung saan nakaupo na si Misha at nakangiti.
"Susukatan na tayo?" Excited niyang tanong. Tumango ako. "Yup!"
"My gosh! Excited nako!" tumayo siya sa kama at mabilis na lumabas ng kwarto ko.
"I'll take a bath now , Ivy!" Rinig ko pang sigaw niya pabalik. Napailing nalang ako bago dumeretso at naligo gaya ng sabi niya.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa sala. Nakita kong nandun narin siya Misha at kumaway sa akin.
Grabe nauna pa sa akin.
Nasa sala rin ang mga kapatid ko habang nanonood din ng tv. Habang ang babae naman nila ay nakalingkis sa kanila.
Grabe talaga tong mga linta ng mga kapatid ko. Hindi na nga humihiwalay sa kanila tapos hindi pa nakikipag usap sa amin.
Ni wala akong matandaan na kinausap at nilapitan nila kami ni Misha. Diba dapat nag papa empress sila sakin kasi ako ang kapatid? Tss sobrang snob. As if naman gusto din namin silang kausap.
Lumapit ako kay Misha. "Break fast tayo"aya ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at pumunta kami sa kusina. Duon ay naabutan namin sina Kuya Arvin at Ava na naghahalikan.
Para akong natuod sa kinatatayuan ko sa nakita. Mabilis na bumitaw si Ava kay Kuya ng makita nila kami.
"Oh oh! Mukang nakaistorbo pa kami" ani Misha. Kita kong namula si Ava sa hiya. Tumingin ako kay Kuya Arvin at nagtama ang paningin namin.
May kung ano sa mata niya na hindi ko mabasa. Mabilis akong hinila ni Misha paalis ron at pumunta nalang sa may pool.
Umupo kami sa lounge.
"Uy okay kalang?" tanong sa akin ni Misha pero umiling ako. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang kirot duon.
Bakit ako nasasaktan? Eh ano naman kung maghalikan silang dalawa? Ano namang pakialam ko?
"Uy" tumingin ako kay Misha ng sundutin niya ang tagiliran ko. "Anong nangyari sayo?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "W-wala" sabi ko
Nanatili kami roon ng ilang minuto bago namin nakita si Naila na may dala-dalang mga bulaklak.
"Naila!"tawag ni Misha sa kaniya. Lumapit naman ito sa amin.
"Ate Ivy , ate Misha. May kailangan po ba kayo?"mahinhing tanong niya.
"Wala namn hehe. Para saan yan?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Любовные романыBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...