Chapter 55
Kabadong kabado ako habang nasa loob ng sasakyan ni Arvin. Hindi narin magkamayaw ang malakas na tibok ng puso ko. Papunta kasi kami ngayon sa bahay para sabihin na kina Mommy ang totoo.
Nag set kami ng family dinner para maging kompleto kami. Ngayon pa nga lang ay kung ano-anong negative na bagay na ang naiisip ko. Sigurado kasi akong magkakaroon na naman ng suntukan sa oras na malaman nila. Lalo na ngayon dahil tatlong linggo na akong buntis.
Nagpa check-up kami ni Arvin sa ospital kaninang umaga. Tuwang tuwa nga siya ng malaman na tatlong linggo ko ng dinadala ang anak namin. Kanina parin siya nag uungot sa akin na sagutin ang proposal niya. Eh paano ba naman kasi , pag labas namin sa ospital ay nagyaya na agad magpakasal.
Nung una niyang sinabi sa akin na pakasalan ko siya ay hindi ko iyon sineryoso. Pero kanina ay napangiti nalang ako. Gusto ko rin namang magpakasal sa kaniya. Ang kaso lang bago ko gawin yon ay dapat maging okay kami ng pamilya ko.
"Hey, you okay?"tumingin ako kay Arvin na nagmamaneho. Hinawakan niya ang maliit kong tiyan at hinaplos iyon. Kanina pa hindi mawala ang ngiti niya.
"Kinakabahan ako"pag amin ko. Sumulyap siya sa akin bago muling binalik ang atensiyon sa pag da-drive.
"I'm here Ivy. Kahit na anong maging reaksiyon nila. Wala na akong pakialam."seryosong aniya. Napangiti naman ako.
Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa bahay. Lumabas ako ng kotse habang pilit na pinapakalma ang puso ko sa kaba. Tumingin ako kay Arvin ng hawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"Everything will be fine"he assured. Kinuha niya ang kamay ko bago halikan ang likod ng palad ko. Matapos iyon ay hinawakan niya ulit ang tiyan ko.
"Hindi ko kayo pababayaan"ngiti niya. Tumango naman ako at ngumiti. Tumingin kami sa malaking pintuang narra sa harapan namin. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Arvin ng magsimula kaming maglakad papasok.
I hope everything will be okay.
"Ivy honey!"sinalubong ako ni Mommy ng yakap ng marating namin ang sala. Naroon sina Daddy at ang apat kong kapatid na seryoso lang na nakatingin sa amin lalo na sa kamay kong nakasalikop kay Arvin.
"Mom"ngiti ko. Tumingin si Mommy sa katabi ko at ngumiti. "My son"aniya. Niyakap niya rin Arvin. Nang matapos iyon ay humiwalay na siya sa amin.
Nakagat ko ang labi ko ng dumako ang tingin niya sa kamay naming magkahawak. Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sa akin.
Lumingon siya kina Daddy na taimtim lang na nakatingin samin. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Arvin.
Tumayo si Daddy sa sofa at naglakad papalapit sa amin. Seryoso niyang tiningnan si Arvin.
"You are really loosing your mind?"tanong niya. Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin dahil sa takot kay Daddy pero hindi niya iyon hinayaan.
"I'm sorry Dad. Alam niyong lahat na ginawa ko ang lahat para pigilan to. Pero hindi ko kaya. Pinapaalam namin to sa inyo bilang respeto. Nasa inyo na iyon kung itatakwil niyo kami"may determinasyong saad ni Arvin. Umigting ang panga ni Daddy.
"She's your sister"
"We all know the truth. Pwede kami ni Ivy. We're not blood related"
"Arvin!"sigaw ni Mommy. Umiling iling siya sa amin na parang hindi makapaniwala bago siya bumaling sa akin. Nagsusumamo ang mga mata niya.
"Ivy , naguguluhan ka lang"aniya.
"I love him Mom"sabi ko. Kita kong namasa ang mata ni Mommy habang nakatungo lang ako.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Любовные романыBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...