Chapter 50
Lumipas ang ilang minuto at nagkaroon na ng kaniya kaniyang mundo ang mga kasama namin. Ang apat kong kapatid ay hindi na makita ng mga mata ko.
Malamang nambabae na naman ang mga ngayon. Samantalang naiwan naman ako sa sofa kasama ang lalaking katabi ko. Panay lang ang inom niya ng alak.
Nagmamasid lang ako sa paligid dahil ayoko ko siyang tingnan. Gusto ko na nga sanang umalis sa pwesto ko kaso natatakot ako. Hindi naman ito ang first time ko sa bar dahil lagi akong isinasama ni Jerson sa ganitong lugar sa Spain. Kaya lang sobrang wild na ng lahat kaya natatakot ako na baka maligaw ako o di kaya ay mabastos ng mga lasing.
Kaya nanatili nalang ako sa sofa at tiniis ang mariing titig sa akin ni Arvin. Gustong gusto ko na talagang tusukin ang mata niya. Hindi niya ba alam na kanina pa ako naiilang? Bakit hindi nalang siya umalis at iwan ako rito? Pwede naman na maghanap nalang siya ng ibang babae. O kaya ay makipaglandian siya gaya ng ginagawa ng mga kapatid ko.
Wala naman akong pakialam. Tss.
"Hi Arvin!"kumunot ang noo ko ng may lumapit sa aming isang babae. Nakasuot ito ng fitted na red dress. Sumisigaw ang hinaharap nito habang kita ang cleavage. Napaismid tuloy ako.
Bakit hindi ka nalang nag bra at panty girl? Kasi mukang hindi mo naman gustong takpan yang katawan ko.
Lumapit ito kay Arvin bago kumandong sa hita nito. Nagsalubong ang kilay ko ng haplusin ng hitad na babae ang dibdib niya.
"Bakit nandito ka lang?"malanding tanong nung babae. Tumaas ang kilay ko ng pakialaman niya ang butones ng polong suot ni Arvin. Lumusot ang kamay nito sa loob ng dibdib niya.
Nagusot ang muka ko at wala sa sariling kinuha ang baso ng alak at inisahang lagok iyon. Napangiwi ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na likido. Ramdam ko ang pag taas ng dugo ko ng makitang ilagay ni Arvin ang kamay niya sa hita ng babae at haplusin yon.
Hah! At talagang natutuwa pa siya!? Kung gusto niyang makipag lampungan wag sa harapan ko!
Muli akong nagsalin ng alak sa baso ng halikan ng babae ang tenga ng malanding lalaki. Pakiramdam ko ay gusto ko silang sabuyan ng mainit na tubig.
Sunod sunod kong nilagok ang baso ng alak ng magtama ang tingin namin ng hayop na lalaki sa harapan ko. May kung ano sa mga mata niya na mukang tinatiyansa ang reaksiyon ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"galit kong tanong sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin. Nakita ko kung paano niya pinalandas ang kamay niya sa bewang ng babae pataas sa dibdib nito.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Anong karapatan niyang saktan ako ng ganito!? Pwede naman niyang gawin yan pag naka move on nako! Hayup siya!
"Can we dance?"tanong ulit ng babae na mukang nasasarapan sa ginagawa ni Arvin.
Gusto mong magsayaw!? Bakit hindi ka kumapit sa linya ng kuryente at ng mangisay ka!?
Muli kong inimon ang alak sa baso ko at naramdaman ang pag ikot ng paningin ko. Duon ko lang narealize na naka limang baso na ako. Napapikit ako sa katangahan.
Bakit ka uminom ng madami! Hindi naman mataas ang tolerance mo sa alak. Gaga ka self!
Inis akong tumayo sa sofa kahit na umiikot ang paningin ko. Kailangan kong makapunta sa comfort room. Kailangan kong umihi para mabawasan ang alak sa katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/305853774-288-k415775.jpg)
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomansaBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...