Chapter 41

402 13 0
                                    

Chapter 41

"Aalis ka?"takang tanong ko kay Jerson ng makita ang mga maleta niya sa sahig. Nasa kwarto niya kasi ako para humiram ng damit niya na kakasya sa akin.



"Ahh oo"sagot niya. Nasa harap siya ng cabinet upang pumili ng damit. Kumunot ang noo ko. "Saan naman?"



"Spain"sagot niya. Nang makakuha siya ng damit ay iniabot niya iyon sa akin. "Anong gagawin mo don?"



"Pinapasama kasi ako nina Mommy sa Uncle ko pabalik sa Spain. Gusto kasi nila na doon na ako mag aral ng business para mas madali akong matapos"paliwanag niya. Napatango naman ako.



"Uncle? May uncle ka sa Spain?"


"Yeah. Kapatid ng Daddy ko. Dun siya nakatira"aniya.


"Talaga? Ang galing naman. Kailan naman ang alis mo?"


"Probably next week? Sasabay kasi ako kay Uncle Harold. Kaya inaasikaso ko na ang mga papeles ko"


"Ganon kabilis?"tanong ko. Kinuha ko sa kamay niya ang long sleeve na t-shirt. Tumango naman siya at huminga ng malalim. "Oo. Sa katunayan. Pupunta nga si Uncle dito para ihatid ang mga papeles ko na hawak niya"aniya. Nanlaki naman ang mata ko.


"Ha!? Bat di mo sinabi agad? Sana nakaalis ako ng mas maaga"sabi ko. Natawa naman siya. "Mabait naman si Uncle. Hindi naman nangangagat yon" aniya. Ngumuso naman ako.



"Kahit na. Baka kung anong isipin non"sabi ko at biglang naalala ang muka ni Arvin. Kamusta na kaya ang isang iyon?



"Hindi yon"aniya. Hindi ko nalang siya pinansin. Bumalik na ako sa kwarto at naligo. Habang pinalabhan naman ni Jerson ang damit ko sa mga katulong.


Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto at hinanap si Jerson. Nang makita ko siya sa sala ay may kasama na siyang matandang lalaki. Nang mapatingin sila sa akin ay agad kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na muka ng matandang lalaki.



Siya yong nakita kong lalaki sa labas ng bakery shop! Kung ganon , Uncle pala siya ni Jerson?



"Magandang araw po"nahihiyang bati ko sa kaniya. Ngumiti naman ang matanda sa akin.



"Ah Uncle, si Ivy nga po pala. Kaibigan ko. Ivy si Uncle Harold. Siya yong sinasabi ko sayo"ani Jerson.



"Hi po"bati ko. Nakangiti lang ang matanda sa akin. "You really look like my friend , hija"ngiti niya.



Ngumiti naman ako. "Ilang taon kana hija?"


"Eighteen po"sagot ko. Kita kong natigilan siya sandali bago ngumiti.


"Anong surname mo hija?"tanong niya ulit. Napakunot naman ang noo ko. "Del Carmen po"nagtataka kong sagot.


Mas lalong natigilan ang matanda sa sinabi ko. Napatingin tuloy ako kay Jerson na kunot din ang tingin sa uncle niya.



"D-Del C-Carmen? Ka ano-ano mo si Camila Del Carmen hija?"tanong niya.



Nagkatinginan na kami ni Jerson dahil sa itsura ng tiyo niya. "Ahh Mommy ko po siya"aniko. Hindi ko mapigilan ang pait sa tinig ko ng mabanggit ang salitang 'Mommy'.



"Mommy? Kelan pa nagkaroon ng anak na babae si Camila?"takang tanong niya. Napaiwas nalang tuloy ako ng tingin. Hindi naman niya ako totoong anak.



"May kilala ka bang Elisa?"muli niyang tanong. Mas lalo tuloy akong naguluhan ng makita ang nanunubig niyang mga mata habang nakatingin sa akin.



"Best friend po siya ni Mommy"


"Kamukang kamuka mo siya hija"kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi niyo Uncle?"takang tanong ni Jerson.



Samantalang hindi naman ako nakagalaw sa pwesto ko. Muli kong naalala ang muka ng best friend ni Mommy na nakita ko sa library.



Ang mata niyang kapareho ng sakin. Ang muka niya at labi , ang tangos ng ilong at ang maputi niyang kutis. Nanginig ang labi ko sa na realize.



Mabilis na nagpatakan ang nga luha ko.


Mommy's best friend is my real mother.



Lumapit sa akin si Jerson ng magsimula akong umiyak. "Ivy , are you okay?" Nag aalala niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay itinuon ko ang atensiyon ko sa matandang lalaki na umiiyak din sa harapan ko.



Sa nanghihina kong mga tuhod ay tinanong ko siya. "A-anong relasyon mo sa kaniya?"iyak kong tanong.


"S-she's m-my lover. The only girl I love the most"aniya.


Mabilis akong napasalampak sa sahig ng marinig iyon. Agad naman akong hinawakan ni Jerson na gulong-gulo sa nangyari.


Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Paano nangyari iyon? Patuloy ang pag iyak ko habang hindi na magkanda ugaga si Jerson kung paano ako patatahanin. Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig niya.



"What did you do , Uncle!?"rinig ko ang galit na tanong ni Jerson. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.


"He didn't do anything , Jer"aniko. Tumingin naman siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?"tanong ko.


"Please?"pakiusap ko ng tiningnan niya lang ako. "Sigurado kaba?"tanong niya.


Tumango ako."I need to talk to them"aniko. Huminga naman siya ng malalim bago tumango.


Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa sofa. "I'll just get you a glass of water"paalam niya at pumunta sa kusina.


Pinunasan ko ang luha ko bago bumaling sa lalaking nangungulilang nakatingin sa akin. "I thought I'll never see you again"aniya.


Umiwas naman ako ng tingin. "Why?" I asked him.


"Because I thought you died fifteen years ago along with your mom"aniya. Kumunot naman ang noo ko.

"Died? Why?" Gulo kong tanong. Umiwas siya ng tingin. "Fifteen years ago , I heard a news that Elisa and you had an accident"aniya.


Accident?


Muli kong naalala ang ikinamatay ng best friend ni Mommy.


"You mean car accident?"tanong ko. Tumango naman siya. Ilang sandali kaming natahimik bago dumating si Jerson na may dalang isang baso ng tubig.



Iniabot niya iyon sa akin na siya ko namang kinuha. Uminom ako roon bago ulit tumingin sa matandang lalaki. "I will going to talk to Mommy. Pagkatapos non , pwede ko po ba ulit kayong makita?"tanong ko.



Ngumiti naman ang lalaki at tumango. "Oo naman hija. Mas gugustuhin ko nga na kunin ka sa puder nila"aniya. Natigilan naman ako.



"Ano bang pinag uusapan ninyong dalawa? Hindi ko kayo maintindihan"sabat naman ni Jerson na kunot ang noong nakatingin sa amin.



Ngumiti naman ang Uncle niya. "Remember what I told you Jerson? About your cousin that died in a car accident?"tanong niya.



Tumango naman si Jerson. "Yeah what about it?"gulo niyang tanong.




Ngumiti naman ang lalaki bago bumaling sa akin. "I saw her again" aniya.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon